Sign up to save your podcasts
Or

Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa
Mabuting Balita | Enero 30, 2022 – Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: LUCAS 4:21-30
Pagdating ni Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa lahat ng nasa sinagoga: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming biyuda noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma'y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa biyuda ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinakatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis.
PAGNINILAY:
Mga kapanalig, may dalawang aral tayong mapupulot sa Mabuting Balita ngayon. Una, para sa ating humahadlang sa mga tao para hindi sila makagawa ng mabuti. Ano bang buti ang maidudulot sa atin ng gawang ito? Anong klaseng saya ang nararamdaman natin sa tuwing nagiging kontrabida tayo sa mga taong gumagawa ng kabutihan at gusto pa natin silang hadlangan? Di ba’t wala! Nakakalungkot isipin na hindi na nga tayo gumagawa ng kabutihan, gusto pa nating hadlangan ang mga taong nagpapakabuti. Saan ba galing ang masamang saloobing ito? Malamang sa inggit na namamayani sa ating puso. Bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Diyos ng sapat na biyaya at pagpapala upang magbahaginan tayo para sa ikabubuti ng mundo. Ang dapat nating iwasan ay ang inggit. Na siyang nagiging hadlang para maghari ang kabutihan ng Diyos sa sandaigdigan. Ang ikalawang aral, ay para sa ating nagsisikap gumawa ng mabuti pero hinahadlangan tayo ng kapwa. Hindi natin kayang suyuin ang lahat ng tao. Sa kabila nang mga ginagawa nating mabuti, mayroon pa ring kokontra at hahadlang, lalo na kung ang ating ginagawa ay labag sa kanilang paniniwala. Kung tayo’y naniniwala na ang ating ginagawa ay ayon sa kalooban ng Diyos, wala tayong dapat ikatakot kahit pa tayo’y usigin. Dahil gagawa at gagawa ang Diyos ng paraan upang patuloy na magbunga ang ating mabubuting gawa nang maging daluyan ito ng pagpapala para sa ating kapwa.
- Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings