PAULINES

Mabuting Balita | Enero 30, 2023 – Lunes


Listen Later

Mabuting Balita | Enero 30, 2023  

Lunes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Mark 5:1-20

Dumating si Hesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Sa mga puntod siya nakatira at di siya maigapos kahit na ng mga kadena. Madalas nga siyang ikinakadena at ipinuposas ang mga paa ngunit nilalagot niya ang mga kadena at sinisira ang mga posas sa paa kaya walang makasupil sa kanya. Nasa kaburulan siya araw gabi, sa mga libingan. Nagsisisigaw siya at sinasaktan ang sarili sa mga bato. Pagkakita nito kay Hesus sa malayo, patakbo itong lumapit at nagpatirapa sa harap niya at sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa akin Hesus na Anak ng Diyos? Hinihiling ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na huwag mo akong pahirapan. Hukbo nga ako marami kasi kami.” At hiningi niya kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: ''Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyon.'' At pinahintulutan sila ni Hesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo'y pumasok ang mga ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid. Naglabasan ang mga tao upang alamin ang nangyari. Kaya pinuntahan ng mga ito si Hesus at nakita nila ang dating inaalihan ng demonyo na nakaupo at nakadamit, matino na siya na sinapian ng hukbo. Kaya natakot sila. Ibinalita naman sa kanila ng nakakita kung ano ang nangyari sa inalihan ng demonyo at pati sa mga baboy. Kaya't hiniling nila kay Hesus na umalis sa kanilang lupain. Pagsakay ni Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi siya pinayagan ni Hesus, kundi sinabi niya: ''Umuwi ka sa iyong mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo. ''Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupain ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat.

Pagninilay:

Gumawa si Hesus ng napakalaking kabutihan. Pinalaya niya ang taong nagmistulang halimaw dahil nasasapian ng maruming espiritu. Naging normal ulit ang tao. Natuwa ba ang mga Geraseno? Hindi. Pinaalis nila si Hesus. Bakit? Dahil nalugi sila sa pagkalunod ng kanilang dalawang libong baboy. Para sa kanila, mas mahalaga ang mga baboy kaysa tao! Kasi kayamanan nila iyon. Hindi ba iyan rin ang nangyayari ngayon sa mundo? May mga taong sobrang nagproproteka ng kanilang business o ari-arian at binabalewala ang mga mahihirap na nasasaktan. Inuusig ang mga mga alagad ni Hesus na lumalaban para sa kapakanan ng mga maralita at inaapi. Mga kapatid, iniimbitahan tayo ni Hesus, ating Maestro, na gayahin siya. Tumulong tayo sa mga mahihirap nang walang takot na mawawalan tayo. Ang Diyos ang may-ari ng lahat. Hindi tayo magkukulang.

– Sr. Vangie Canag, fsp | Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings