Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Enero 31, 2023
Martes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 5:21-43
Pagkatawid ni Jesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkulumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.” Kaya umalis si Jesus kasama n’ya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala s’yang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita n’ya ang kaguluhan, may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Jesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Jesus ang lahat, at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y ‘Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.’ At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.
Pagninilay:
Noong simulan ng ating Panginoong Hesus ang kanyang ministeryo dito sa mundo maibabalangkas natin ang kanyang mga ginawang pagmimilagro sa limang uri: Healing, miracles, nature Miracles, raising death to life, exorcisms, at resurrection.
Sa Mabuting Balita ngayon, narinig natin ang dalawang uri ng milagro: Ang Pagpapagaling sa babaeng nagdurugo at ang pagbuhay muli sa babaeng anak ni Jairo.
Dalawang bagay lamang: Una, pananampalataya - ito ang laman ng puso ng bawat taong dumudulog kay Hesus sa tuwing lumalapit sila at humihiling ng biyaya. Ikalawa, pag-asa - sana kasabay ng ating pananamapalataya ay ang masidhing pag-asa na ipagkakaloob ng Diyos ang ating kahilingan sapagkat siya ang maylikha at may kapangyarihan sa ating buhay.
Dumulog tayo sa kanya ng may pananampatalaya at pag-asa, upang magkamit tayo ng lubusang paggaling mula sa anumang karamdamang ating pinagdadaanan.
- Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings