PAULINES

Mabuting Balita | Enero 4, 2022 – Martes


Listen Later

EBANGHELYO: MARCOS 6:34-44

Nakita ni Jesus ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila ng matagal. Nang humahapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Paalisin mo sila ng makapunta sila sa mga nayon at bukid sa paligid at makabili ng kani-kanilang makakain.” “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” “At kami pa pala ang bibili ng tinapay – dalawandaang denaryo di ba? At bibigyan namin sila.” “Ilang tinapay mayroon kayo? Sige, tingnan ninyo.” “Lima at may dalawa pang isda.” Kaya iniutos niya sa kanila na paupuin nang grupo-grupo ang makapal na tao sa berdeng damuhan. At naupo silang grupo-grupo, tigiisandaan at tiglilimampu. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa Langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ibigay din nila sa mga tao. Gayundin naman, hinati niya ang dalawang isda. At kumain silang lahat at nabusog, at tinipon nila ang mga natirang pira-piraso- labindalawang punong basket mga piraso ng tinapay pati na mga piraso ng isda. Mga limanlibong lalaki ang napakain.

PAGNINILAY:

Masakit isipin na nasanay na tayo sa pagdurusa—sa pagdurusa ng iba. Sinasabi natin sa ating mga sarili sa tuwing nakakakita tayo ng mga nagdurusa: “Wala naman akong pakialam sa buhay nila” o “At least maayos ang pamumuhay ko.” Mga salita ng kawalang-pakialam sa kapwa. Hindi lamang ang poot sa ating mga kaaway ang naglalayo sa atin sa Diyos. Dahil ipinakita sa atin ni Hesus na ang tunay na pag-ibig ay sinasamahan ng awa at malasakit, nalalayo din tayo sa Diyos sa tuwing pikit-mata tayo sa mga pagdurusa ng iba. Pag-ibig na may awa at malasakit ang tunay na maka-Kristiyanong pakikipagkapwa-tao. Mga kapanalig, hindi lamang pagkain ang kinakailangan ng bawa’t isa sa atin. Bilang mga magkakapatid sa mata ng Diyos, may responsibilidad din tayong tumayo upang pangalagaan ang kapakanan ng iba—sa tuwing sila ay tinatapakan ng dignidad at inaagawan ng kalayaan. Sinong tao ba ang matitiis ang sariling kapatid na nagdurusa?  - Fr. Oliver Par, SSP | Society of St. Paul

PANALANGIN:

Ama naming maawain, tulutan mong dumaloy ang iyong awa at malasakit sa aming pagkatao sa pamamagitan ng Espiritu ng iyong Anak na si Hesus na siyang nagturo sa amin ng tunay na pag-ibig. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings