Sign up to save your podcasts
Or

EBANGHELYO: JUAN 3:22-30
Pumunta si Jesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng Judea, at doon siya tumigil kasama nila, at nagbibinyag. Nagbibinyag din naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagkat malalim ang tubig doon, at may mga nagdaratingan at nagpapabinyag. Hindi pa nabibilanggo noon si Juan. At nagkaroon ng pagtatalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa paghuhugas. Pinuntahan nila si Juan at sinabi sa kanya: “Rabbi, ang kasamasama mo sa ibayo ng Jordan, na pinatotohanan mo, nagbibinyag siya ngayon at sa kanya pumupunta ang lahat.” “Walang maaabot ang tao, maliban sa ibinigay sa kanya ng Langit. Kayo mismo ang mga saksi ko na sinabi kong: ‘Hindi ako ang Kristo; sinugo ako una sa kanya.’ Para sa nobyo ang nobya. Naroon ang abay ng nobyo para makinig sa kanya at ikinagagalak niya ang makinig sa nobyo. Ganito rin lubos ang aking kagalakan. Dapat siyang humigit at ako nama’y lumiit.”
PAGNINILAY:
Ang pag-iisang dibdib ng Panginoon at ng bayan ng Israel ang malalim na kahulugan nang sinabi ni Juan sa kanyang mga alagad na siya, bilang “abay ng nobyo”, ay natutuwa dahil ang nobyong kakasalin na walang iba kundi si Hesus ay dumating na. Nasiyahan na rin siya sa mga naihanda niyang kalooban ng mga tao bilang nobyang makikipag-isang dibdib kay Hesus. Tunay na sa simula pa lang, nakatalaga na tayo sa Panginoon. Tulad ng sinabi Niya sa pamamagitan ni Propeta Oseas na: “Ikaw ang aking magiging asawa magpakailanman, Israel; mabubuklod tayo sa katwiran at katarungan, sa matibay na pagmamahalan, at sa kaawaan. Ikaw ang magiging tapat kong asawa at makikilala mo Ako, ang Panginoon.” Mga kapanalig, ang pagdating ni Hesus ang kaganapan ng kalooban ng Diyos na tayo’y makibahagi sa Kanyang dakila at walang hanggang pag-ibig. Tulad tayo ng isang maruming babae na hinango ni Hesus mula sa putik at itinalaga sa Kanya. Ayon kay San Pablo, “binili Niya tayo sa malaking halaga.” At ang halaga nito ay ang mismong Kanyang sariling buhay. Sa ating pang-araw-araw na buhay, paano ba natin nasusuklian ang dakilang pagmamahal sa atin ng Diyos? Namumuhay ba tayo sa pagmamahal at pasasalamat dahil kinasihan Niya tayo ng awa at kagandahang loob sa kabila ng ating paulit-ulit na pagkakasala?
- Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
PANALANGIN:
Panginoon, pagindapatin Mo po akong makatugon sa dakila at walang hanggang pag-ibig Mo sa akin. Patawarin Mo po ako sa maraming pagkakataong nagkasala ako Sa’yo at sa aking kapwa. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings