Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | HULYO 14, 2021
Miyerkules sa Ika -15 Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MATEO 11:25-27
Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita, Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.”
PAGNINILAY:
Noong Pastoral Exposure ko po sa Samar, inassign po ako doon sa isa mga pinakamalayong baryo ng Catarman. Naaalala ko po pagkatapos ng hapunan, ang hapunan po namin doon ay bandang ala-singko y media ng hapon, pumupunta po ako doon sa kapit-bahay ng tinutuluyan ko para manood ng TV kasama ang buong pamilya. At kahit na ang lahat ay nakatutok doon sa TV, pagpatak ng ala-sais nang gabi, tatayo ang isa sa mga bata at papatayin ang TV. Kasama ang apat pa niyang mga kapatid, luluhod sila doon sa harap ng kanilang maliit na altar ang magdarasal ng Angelus. At tatapusin nila ang kanilang maikling dasal ng pasasalamat sa Diyos.
Alam niyo po, pagkatapos ng dalawang buwan ko pong exposure doon, napagtanto ko na imbes na ako ang magturo sa kanila ang katesismo, sila pa mismo, lalong-lalo na ang mga bata, ang nagturo sa akin tungkol sa buhay at tungkol sa Diyos.
Sa ating ebanghelyo ngayon sinabi ni Jesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata.”
Kahit na sa kanilang murang edad, para bagang naunawaan na ng mga batang iyon kung ano ang tunay na layunin na buhay: na papurihan, pagpitagan, at paglingkuran ang Diyos.
Minsan sinasabi po natin, “With age comes wisdom.” Pero parang hindi naman talaga totoo yan, dahil merong ibang tao na “tumatanda nang paurong.”
Kaya hilingin sa Diyos na habang tayo’y tumatanda sana tayo din ay may pinagkatandaan: lumalalim ang ating pananampalataya, tumitindi ang ating pagmamahal, at mas nagiging mapagpasalamat tayo katulad ng mga bata. Amen.
- Fr. Anthony Capirayan, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings