PAULINES

MABUTING BALITA | HULYO 19, 2021


Listen Later

MABUTING BALITA | HULYO 19, 2021

Lunes sa Ika -16 na Linggo sa Karaniwang Panahon


EBANGHELYO: MATEO 12:38-42

Sinabi ng ilang guro ng Batas at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng tanda mula sa iyo.” Sumagot si Jesus: “Isang palatandaan ang hinihiling ng masama at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang ibibigay sa kanila, maliban sa palatandaan ni Propeta Jonas. Kung papaanong tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng balyena si Jonas noon, gayundin naman tatlong araw at tatlong gabing mananatili sa ilalim ng lupa ang Anak ng Tao. Sa paghuhukom, babangon ang mga taga-Ninive kasama ng mga taong ito at hahatulan ang salinlahing ito sapagkat nagpanibagumbuhay sila sa pangangaral ni Jonas. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog, kasama ang mga taong ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon, at dito’y may mas dakila pa kay Solomon.”

PAGNINILAY:

Ayon kay San Ignacio de Loyola: “Sa mga taong naniniwala, hindi na kinakailangan ng tanda; pero sa mga taong hindi naniniwala, hindi sapat kahit anong tanda.” Nakagawian mo rin bang humingi ng tanda mula sa Diyos bago ka gumawa ng desisyon? Sa Mabuting Balita ngayon, natunghayan natin na si Hesus ang tunay at buhay na tanda ng walang hanggang pagmamahal at awa ng Ama sa atin. Kaya lang minsan, nagiging demanding tayo sa paghingi ng tanda, gusto natin, agad-agad, instant answers sa ating prayers ang nais natin, kaya malabong makita ang mga tunay na tandang kaloob sa atin araw-araw. Mga kapanalig, nasa gitna man tayo ng krisis, nariyan pa rin ang pagpapala ng Diyos: may pagkain sa mesa, ligtas sa kapahamakan, mabuting kalusugan, mapagmahal na pamilya at marami pang iba – mga tanda ito ng dakilang katapatan ng Diyos. Kaya sa halip na magreklamo sa matagal na pagtugon ng Diyos sa iyong kahilingan, bilangin mo kung kaya mo ang lahat ng mga pagpapalang ipinagkakaloob sayo ng Diyos araw-araw at itanong sa sarili, sa paanong paraan kaya ako nakakapagpasalamat sa lahat ng ito? Paano din kaya ako maaaring maging tanda ng pag-big ni Hesus sa mga taong nakapaligid sa akin? Mga kapanalig, tumugon tayo sa hamon ng Mabuting Balita na maging tanda din ng tunay na malasakit at pag-ibig ni Hesus sa lahat.

– Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul

Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, sorry po sa mga pagkakataong hindi ako nakapagpasalamat sa’yong mga kaloob sa akin dahil hindi ko po ito binigyang pansin. Ganunpaman, salamat pa rin po dahil hindi po kayo nagsasawang ibuhos ang iyong pagpapala sa akin at sa aking pamilya araw-araw, tanda ng iyong dakilang pag-ibig. Tulungan n’yo po kaming maging tanda din ng iyong pagmamahal sa bawat isa. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings