PAULINES

MABUTING BALITA | HULYO 20, 2021


Listen Later

MABUTING BALITA | HULYO 20, 2021

Martes sa Ika -16 na Linggo sa Karaniwang Panahon


EBANGHELYO: MATEO 12:46-50

Nagsasalita pa si Jesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid para makipag-usap sa kanya, at naghihintay sila sa labas. Kaya may nagsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang makusap.” Sumagot si Jesus: “Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?” At itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. Ang nagsasagawa ng kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.”

PAGNINILAY:

Sino ang aking ina? Sino-sino ang aking mga kapatid? Ang bigat ng pahayag na ito ni Hesus kasi nandudoon si Maria. Ano ang pakahulugan ng sinabi ni Hesus, “kung sino ang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ay aking kapatid at Ina”? Mga kapanalig, magalak tayo! Kung ikaw at ako ay sumusunod sa kalooban ng Ama, dahil kabilang tayo sa tinutukoy ni Hesus dito. Paano nga ba tayo makakasunod sa kalooban ng Ama sa langit at mapabilang sa kaharian ng Diyos? Manalangin tayo at humingi ng biyaya na makasunod kung ano ang kanyang kalooban. Ang isang pamilya ay pinagbubuklod ng pagmamahalan, pagmamalasakitan, pagtutulungan at pag-uunawaan ng bawat isa. Pinaaalahanan tayo na kung mahal nating tunay ang Diyos dapat din mahal natin ang ating kapwa.  Noong Pebrero 15, 2021, ang Istituto Santa Famiglia, ay nagkaroon ng 33 Days Prayer in preparation to our Consecration to St. Joseph at Patronal Saint ng ISF.  Napansin ko na mas nakilala namin ang bawat isa. Nasundan pa ito ng Virtual Flores de Mayo.    Isang pamilya na umunlad sa pananampalataya sa Diyos, nagdadamayan sa tuwa at lungkot lalo na ngayong panahon ng pandemya. Si Maria ay tunay na ina at pamilya ni Hesus, kaya lubhang siyang nag-aalala  kay Hesus dahil sa dami ng tao at gawain para sa kanyang Ama sa langit. Ginampanan ni Maria nang buong husay at katapatan ang kanyang pagiging ina, ang pinakadakilang bokasyon sa lahat. Kung tayo ay tapat sa anumang bokasyon na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, nagampanan na natin ang ating misyon. Ang pagtalima sa kalooban ng ating Ama sa langit ay pang habang buhay na tungkulin ng bawat kristyano. Anuman ang ating gawain na taos pusong inaalay sa Diyos, ang magdadala sa atin sa kabanalan at hindi na lalayo sa’yo ang kaharian ng Diyos.

- Siony Japzon Ramos | Institute of the Holy Family

Manalangin tayo:  Mapagmahal naming Diyos dalangin po namin na pagpalain ang bawat pamilya na ibinigay mo sa amin, kaibigan at kongregasyon. Punuin ang bawat puso ng pagmamahalan at unawaan. Tulungan n’yo po kaming sumunod sa iyong kalooban para sa amin. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings