Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | HULYO 24, 2021
Sabado sa Ika -16 na Linggo ng Taon
EBANGHELYO: MATEO 13:24–30
Binigyan ni Jesus ang mga tao ng isa pang talinhaga. “Naihahambing ang kaharian ng Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. At samantalang natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masasamang damo ang taniman ng trigo at saka umalis. Nang tumubo ang mga tanim at nag-simulang mamunga ng butil, naglitawan din ang masasamang damo. Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: ‘Ginoo, di ba’t mabu-buting buto ang inihasik mo sa bukid, saan galing ang mga damo?’ Sinagot niya sila: ‘Gawa ito ng kaaway.’ At tinanong naman nila siya: ‘Gusto mo bang bunutin namin ang mga damo?’ Sinabi niya sa kanila: ‘Huwag, at baka sa pagbunot ninyo sa mga damo, mabunot pati ang trigo. Hayaan ninyo na sabay silang tumubo hanggang anihan. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin ninyo muna ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at tipunin sa aking kamalig.”
PAGNINILAY:
Kapanalig, nakaranas ka na ba ng pagtatalo sa iyong sariling puso? Yung naglalaban ang mabuti at masama sa iyong kalooban? Yung gusto mong gumawa ng tama katulad ng pagiging maawain, mabuti, mapagpatawad, pero nananaig ang damdamin ng paghihiganti, kasakiman at pagmamalaki? Katulad ng talinhaga ng mga damo sa ating Mabuting Balita ngayon, ang ating puso ay parang taniman ng mabubuting buto, pero maaari ding haluan ng masasamang damo. Ang tao ay nilikha ng Diyos na mabuti, pero dahil sa kasalanan at kahinaan ay nadadala tayo sa tukso ng kasamaan katulad ng nangyari sa ating unang mga magulang na sina Eba at Adan. Ganito rin ang karanasan ni San Pablo noong sinabi niya sa kanyang sulat sa mga taga Roma: Hindi ko ginagawa ang mabuti na gusto kong gawin, at nagagawa ko ang masamang ayaw kong gawin. Ngayon, kung nagagawa ko ang ayaw kong gawin, hindi na ako ang gumagawa, kundi ang kasalanang nananahan sa akin. Paano nga ba nahahaluan ng mga masasamang damo ang ating mga puso? Kapag tayo’y nagtanim ng sama ng loob, nagbubunga ito ng galit at hinanakit. Kapag tayo’y nagtanim ng kasakiman, nagbubunga ito ng inggit at pagnanasa kung ano ang meron sa iba. Upang maiwasan ang mga ito, kailangan nating magtanim ng malalim na pakikipag-unayan sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin, pagiging mapagpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap, at sa pag-aaral at pagsasabuhay ng salita ng Diyos. Ikaw kapanalig, ano ang tinatanim mo sa iyong puso?
- Sr. Mary Anthony Basa, PDDM | Disciples of the Divine Master
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings