Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | HULYO 29, 2021
Huwebes sa Ika -17 Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: JUAN 11:19-27
Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria upang makiramay sa kanila dahil sa pagyao ng kanilang kapatid. Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Jesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Subalit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hilingin mo sa Diyos, ibibigay ito sa iyo ng Diyos.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Babangon ang kapatid mo.” Sumagot sa kanya si Marta: “Alam ko na babangon siya sa muling pagkabuhay sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Mabubuhay ang naniniwala sa akin kahit na siya ay mamatay. Hinding-hindi mamamatay ang bawat nabubuhay sa paniniwala sa akin. Pinaniniwalaan mo ba ito?” Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Naniniwala nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na dumarating sa mundo.”
PAGNINILAY:
Sa Mabuting Balita ngayon, naka-relate ako sa sinabi ni Marta kay Hesus, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid.” Sa karanasan ko ng pagbibigay ng Holy Communion sa mga matatanda at mga may sakit, na isa sa mga apostolate ko, nakita ko ang struggle ng iba sa kanila, at naka-witness din ako ng mga namatay pagkatapos ng pagdasal at pagbigay ng katawan ni Kristo. Duo’y nakita ko ang kapayapaan sa kanilang pagpanaw. Katulad ng naranasan ko sa pagpanaw ng aking mga magulang. Ang pinakamahalagang pabaon ko sa kanila ay ang panalangin, paghatid at paglapit sa kanila kay Hesus, para makamit ang payapang pagpanaw. Sa loob ng tatlumpung (30) taon ng pagbibigay ko ng Holy Communion, higit sa isang daan na po ang pumanaw. Isa rin sa apostolate ko ay ang pagpunta sa mga yumao para mag-alay ng panalangin, para sa kapahingahan ng kanilang kaluluwa. At duo’y naisip ko na ang buhay dito sa lupa ay may hangganan, maging anuman ang estado sa buhay. Sa ating Panginoon lang matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Pananampalataya, paglilingkod sa Diyos at paggawa ng kabutihan sa ating kapwa ang susi sa buhay na walang hanggan. Tatapusin ko muli ang aking pagninilay sa isang AKRONIM:
P- Pangako ng Panginoon ang Paraiso sa lahat na sumasampalataya sa Kanya
A- Alalahanin palagi ang Diyos na siyang lumalang
T- Tao ang higit sa lahat kay Hesus
A- Aminin at tanggapin ang kalooban ng Panginoon
Y- Yahweh ang nagtakda ng buhay at kamatayan
SALAMAT SA DIYOS
Robert Lauigan, Association of Pauline Cooperators - Tuguegarao
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings