Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | HUNYO 14, 2021 Lunes sa Ika-11 Linggo ng Taon
Kaya mo bang suklian ng mabuti ang masamang ginawa sa’yo?
EBANGHELYO: MATEO 5:38-42
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong labanan ng masama ang masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at ibaling ang kabilang pisngi. Kung may magdemanda sa iyo para kunin ang iyong sando, ibigay mo pati ang iyong kamiseta. Kung may pumilit sa iyong sumama sa kanya nang isang kilometro, dalawang kilometro ang lakarin mong kasama niya. Bigyan ang nanghihingi at huwag talikuran ang may hinihiram sa iyo.
PAGNINILAY:
Narinig ninyo na sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Sa isang World War II Movie na pinamagatang “Unbroken: Path to Redemption,” na hango sa tunay na buhay ni Louis Zamperini, isang Olympic athlete na napalaban nung WWII, nabihag ng mga Hapon, lubos na pinahirapan, pero nag survived at nakabalik sa Amerika, makikita natin na hindi imposible ang magpatawad sa mga taong nakasakit sa atin, lalong lalo na kung ang mga ito ay hindi naman nagpapakita ng pagsisisi o kaya’y hindi naman humihingi ng tawad. Ang journey ni Zamperini sa pagpapatawad ay hindi naging madali. Dumanas muna sya ng mga gabing hindi makatulog, dahil lagi nyang napapanaginipan ang taong umabuso sa kanya. Naapektuhan ang kanyang asawa at anak. Inisip nya na ang tanging paraan para matahimik siya at ang pamilya ay hanapin at patayin ang taong iyon. Hanggang dahan-dahan nyang nakilala ang Diyos, sa tulong na rin ng kanyang maybahay, at siya’y nagbalik loob sa Kanya. Mga kapanalig, ang kwento ni Zamperini ay kwento rin marahil ng buhay ng marami sa atin. Ang pagpapatawad ay hindi lamang para sa kagalingan ng mga taong nagkasala sa atin, kundi higit sa lahat ay para sa ating sarili. Upang tayo ay lubos na lumaya at magkaroon ng puwang ang biyaya at pagmamahal ng Diyos sa atin. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga Roma, “Huwag kang pasupil sa masama, bagkus supilin mo ng mabuti ang masama.” Alam ko pong mas madali itong sabihin kesa gawin, pero kung patuloy tayong hihingi ng grasya ng pagpapatawad mula sa Diyos, hindi Nya tayo bibiguin.
- Sr. Tina Madrigallos, fsp (Daughters of St. Paul)
PANALANGIN: Mapagpatawad na Ama, nawa’y pagkalooban mo kami ng pusong handa ring magpatawad sa iba, nang sa gayo’y laging mangibabaw ang pagmamahal at hindi ang galit sa aming mga puso. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings