PAULINES

MABUTING BALITA | HUNYO 22, 2021 - Martes


Listen Later

MABUTING BALITA | HUNYO 22, 2021 - Martes sa Ika-12 Linggo ng Taon

Sa araw-araw mong pagpili sa pagitan ng masama at mabuti, alin ang mas pinapanalo mo?

EBANGHELYO: MATEO 7:6, 12-14

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ibigay ang banal sa mga aso o itapon ang inyong perlas sa mga baboy, at baka yapakan nila ito at balikan kayo at lapain. Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta. Pumasok sa makipot na pinto sapagkat malapad ang pintuan at malawak ang daan papunta sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Napakakipot naman ng pintong papunta sa buhay at mabalakid ang daan at kakaunti ang mga nakakatagpo rito.”

PAGNINILAY:

Ang Mabuting Balitang narinig natin ay bahagi ng Sermon on the Mount ng Panginoong Hesukristo na sinulat ni San Mateo. I-imagine po natin na kasama tayo sa maraming taong umakyat sa bundok upang makinig sa turo ng Panginoon tungkol sa Kaharian ng Langit.  Marahil ang unang papasok sa ating isipan: Paano tayo makakatugon sa paanyaya ng Panginoon na pumasok sa makipot o makitid na pintuan na siyang daan natin patungo sa buhay na walang hanggan? Sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo, ang ating Banal na Guro, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.  Walang makakapunta sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko.  Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama (Juan 14:6-7).  Mga kapanalig, yan ang tumpak na sagot sa ating tanong. Ang Panginoong Hesukristo ang daan natin patungo sa buhay na walang hanggan. Ang kanyang tinahak na daan, ang daan ng krus, ang marapat din nating tahakin kung inaasam nating makamit ang buhay na walang hanggan. Kaya nararapat pong kilalanin nating mabuti ang ating Panginoong Hesu-Kristo, at Siya’y mahalin at pagsilbihan upang makapiling sa buhay na walang hanggan. Sa panahon ngayon, marami po ang naliligaw ng landas, sa iba’t ibang kadahilanan: maaaring naengganyo sa turo ng mga huwad na guro, at ang mga kasamaang ibinubunga nito. Madaling mapaniwala sa fake news. Ayaw mahirapan sa anumang gawain, kaya mas pinipili ang shortcut at under the table transactions, bayaran na lang para mapabilis ang proceso. Kaya naman, naging talamak din ang corruptionsa ating lipunan dahil sa ganitong mga kalakaran. Nawala sa kamalayan ng mga tao na anumang uri ng pamumuhay meron tayo ngayon, anumang mga desisyon na ginagawa natin ngayon – sasagutin natin ito sa harap ng Diyos pagkatapos ng maikling buhay natin sa mundo. Oo, mahirap ang daan sa pagpapakabuti, dahil kinakailangan nating mamatay sa sarili, kailangang magsakripisyo, kailangang magpakumbaba at lulunin ang ang ating pride. Ganito ang daang tinahak ng Panginoong Hesukristo at ng mga disipulo, ang makitid na pintuan patungo sa buhay na walang hanggan. Samantalang ang maluwag na pintuan ay maaaring kumatawan sa mga gawain at pamumuhay natin na taliwas sa kalooban ng Diyos. Pero tunay na napaka-mahabagin ng ating Panginoon. Kaya naman, sinabi ni San Pedro na naaantala ang pagbabalik ni Kristo dahil sa katotohanang “Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan, dahil hindi niya nais na may mapahamak“ (2 Pedro 3:9). Kapanalig, paano mo ginagamit ang pagkakataong binibigay sa’yo ng Diyos upang baguhin ang sarili, at tahakin ang makipot na pintuan tungo sa buhay na walang hanggan?

- Margie Skeels, APC-USA (Association of Pauline Cooperators)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings