PAULINES

MABUTING BALITA | HUNYO 8, 2021 - Martes


Listen Later

MABUTING BALITA | HUNYO 8, 2021 - Martes sa Ika-10 Linggo ng Taon

Paano ka ba nagiging asin at ilaw sa gitna ng pandemyang pinagdadaanan?

EBANGHELYO: MATEO 5:13-16

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawa at pupurihin nila ang inyong Amang nasa Langit.”

PAGNINILAY:

Napakinggan natin sa Mabuting Balita kahapon ang mga turo ng ating Panginoon, na tinatawag nating Sermon on the Mount o Beatitudes. Ngayon naman, agad Niyang isinunod ang ating pagiging asin at ilaw sa tuktok ng bundok. Ito ay mga missionary images ng isang Kristiyano o sambayanang Kristiyano – hamon ng Panginoon sa kanyang mga alagad na nagsusumikap makasunod sa kanyang mga turo at aral. Paano ba tayo nagiging asin at ilaw? Sa pamamagitan ng ating binyag, nakatanggap tayo ng biyaya ng bagong buhay, buhay na may saysay, na sinasagisag ng pagiging asin at ilaw. At kakambal ng biyayang ito, ang pananagutang manatiling asin at ilaw sa gitna ng maraming hamon, pagsubok at tukso sa buhay.  Ang asin ay nagbibigay lasa, nagpapanatili at nangangalaga na di masayang at di mabulok ang mga pagkain. Ang ilaw ay tumatanglaw sa tamang daan upang di maligaw o mapahamak ang mga naglalakbay, pumapawi sa dilim at nagbibigay ng pag-asang marating ang tamang patutunguhan. Mga kapanalig, sa araw-araw nating buhay, marami tayong pagkakataon na panatilihin ang ating pagiging asin at ilaw. Yong simpleng halimbawa ng ating dedikasyon sa trabaho, pakikinig sa problema ng iba, pagtulong sa mga maysakit, inaapi at nahihirapan sa buhay lalo na sa panahon ng pandemya, pag aalaga sa kalikasan, creativena pag gamit ng social media upang maipahayag ang ating pananampalataya at marami pang iba. Paano tayo mananatiling asin na may lasa at alat, ilaw na parating may liwanag sa gitna ng maraming pagbabago sa mundo? Patuloy nawa tayong kumapit sa ating Panginoong Hesus. Siya ang bukal ng ating pagiging epektibong asin at ilaw. Siya ang tunay na saysay ng ating buhay.

- Precy Palad, IOLA (Institute of our Lady of Annunciation)

PANALANGIN: Panginoon, maraming-maraming salamat sa biyaya ng aming binyag. Dahil dito, binigyan mo kami ng kakayanang maging asin at ilaw sa mundo. Gawin mo kaming matapat sa aming mga pangako sa binyag at maging tunay na alagad mo sa araw araw. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings