PAULINES

Mabuting Balita l Abril 11, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 11, 2023

Martes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay




Ebanghelyo: Juan 20:11-18

Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama'y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus.Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ale, bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n'yo sa akin kung saan n'yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni” (na ang ibig sabihin ay Guro). Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mona akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: 'Paakyat ako sa Ama ko at Ama n'yo, sa Diyos ko at Diyos n'yo.'” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.”


Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Joe-Nelo Penino ng St. Francis Xavier Parish, Archdiocese ng Caceres ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Napakasayang

tunghayan ang mga serye nang pagpapakita ni Hesus sa kanyang mga alagad pagkatapos nang kanyang muling pagkabuhay. May dala itong saya, sigla at
pag-asa sa ating buhay. Isa na riyan si Maria Magdalena, pinuno siya ng biyayamula sa Diyos; mapalad na nabigyan ng pagkakataong unang makasaksi at makakita na Buhay ang Panginoon. Matatandaan natin, na si Maria Magdalena ang babaeng pinatawad at tinanggap ni Hesus, sa kabila nang galit at poot ng kanyang kapwa sa kanya. Tunay nga namang sa muling pagkabuhay ni Hesus, kaligtasan ay natamo, lalong- lalo na sa ating mga makasalanan.  Ano kaya ang naramdaman ni Maria Magdalena sa muli nilang pagtatagpo ni Hesus? Mula sa matinding kalungkutan, panghihinayang, takot at kawalan, heto
ngayon ang Mabuting Balita na Buhay ang Panginoon. Labis-labis na kasiyahan,ramdam na ramdam ni Maria Magdalena ang maliw sa kanyang puso at buhay. (Sa tanong ni Hesus, “Babae, bakit ka umiiyak?” tila bagang lalong tumindi ang kanyang kalungkutan, at bigat nang pakiramdam ang bumalot sa kanyang puso. Pero, nang tawagin na siya sa kanyang pangalan, “Maria”, naiba na ang ihip nang hangin. Walang pagdadalawang isip na kinilala niya, na siya nga ang, “GURO”. Buhay ang Panginoon!) Ito ang kagalakan na dala nang Pasko ng muling Pagkabuhay, na sa kabila nang ating pinagdaraanan na hirap, lungkot, pighati, at bigat na mga pasan-pasan, may pag-asa tayong tinatanaw sa hinaharap. Ika nga, “at the end of the tunnel there is light, after the empty tomb there is life.” (Kailangan lang nating tanggapin, nang buong-buo, at manampalataya nabuhay si Hesus sa ating puso, diwa, isipan at buhay. Nawa’y ang yugtong ito ng ebanghelyo ang magdala nang pagpapanibago sa ating pananampalataya, pagtitiwala at pagsunod sa kalooban nang Dios.)  

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings