PAULINES

Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes

Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay     

Ebanghelyo: Jn 3:31-36     

Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa

lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtitibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos ang mga Salita ng Diyos, sapagkat walang sukat na binibigyan siya ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May Buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.”


Pagninilay:

Sa halos dalawang buwan ko pong pagkaka-assign, na mag-assist sa mga pasyente sa hospital, na-realize ko ang

karupukan ng buhay. Habang nag-miminister po kami sa mga maysakit, at nasa banig na ng kamatayan, makikita’t mararamdaman mo ang takot, kaba, minsan payapang disposisyon ng maysakit. Iba-iba man, pero masasabi mong hiram nga lang naman talaga ang buhay. Ang kaganapan ng buhay ay wala sa haba, kayamanang
nakamkam, lupaing inutang, sasakyang ni-loan, tayog ng napag-aralan, o kahit na mga parangal, kasikatan, impluwensyang ating nakamit. Lahat nagiging pantay-pantay sa harap ng kamatayan. 

Mga kapanalig, sa ating Mabuting Balita, ito rin ang itinuturo sa atin ni Hesus. Kung ang pag-unawa natin

sa buhay ay mula sa perspektibo ng mundo—edi makamundong buhay ang ating konsepto. Pero, kung ang pag-unawa natin sa buhay ay mula sa perspektibo
ni Hesus—gagawin natin ang lahat upang maging makabuluhan ang bawat sandali nito. 

Mga kapanalig, sinasabi ng liturhiya sa atin sa tuwing may misa ng patay, ang ganda po noon sa prepasyo…” Indeed for your faithful, Lord, life is changed not ended, and, when this earthly dwelling turns to dust, an eternal dwelling is made ready for them in heaven.” Sana po huwag na nating hintayin ang kamatayan, bago pa tayo magpasyang magpakabuti. Ngayon, simulan na natin ang

ating mabuting pamumuhay, upang masalamin natin ang pangakong buhay ni Hesus sa langit. Gawing langit ang mundo.

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings