PAULINES

Mabuting Balita l Abril 13, 2023 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 13, 2023

Huwebes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay





Ebanghelyo: Lucas 24: 35-48

Isinalaysay ng dalawang alagad ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila at nagsabi: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”. Nagulat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at pumapasok ang pag-aalinlangan sa inyong isipan? “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita Ninyo na meron ako.” Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa. Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda at pulot-pukyutan. Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan—sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging saksi sa mga ito.”

Pagninilay :

Isinulat ni Fr. Edward Dantis ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Sumainyo ang kapayapaan!  Ito ang pagbati ni Hesus sa nagkakatipong mga

alagad. Habang isinasalaysay noong dalawa ang nangyari sa daan, at ang pagpira-piraso ng tinapay, biglang tumayo si Hesus sa gitna nila. Nagulat sila
at natakot dahil akala nila’y multo ang nasa kanilang harapan.  Pero matapos nilang makita ang kanyang sugat, nagdiwang sila, dahil nakita nga nila ang Panginoon.  Gaya ng pagpadala ng Ama kay Hesus, isinusugo Niya ang mga alagad na mangaral ng pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan sa Kanyang pangalan, at maging Kanyang mga saksi sa mga bagay na kanilang nakita at naranasan.

Mga Kapanalig, sa halip na pagalitan ni Hesus ang mga alagad, dahil sa kanilang pagtalikod sa kanya at sa kanilang pagtataksil, ibinigay Niya sa kanila ang

Kanyang kapayapaan at ang Banal na Espiritu bilang regalo.  Ang parehong Espiritu na bumuhay sa Kanya mula sa mga patay.  Nagkasundo silang
lahat, binati Niya sila ng kapayapaan, at ngayon, ang kapayapaan sa pagitan Niya at ng mga apostol ay natupad sa pamamagitan ng Espiritu Santo.  Pinapaalalahanan tayo ng kapayapaang ito, sa tuwing nagbabatian tayo ng kapayapaan sa isa’t isa, kapag dumadalo tayo ng Banal na Misa. 





...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings