PAULINES

Mabuting Balita l Abril 17, 2023 – Lunes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 17, 2023

Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay



Ebanghelyo: Juan 3:1-8

May isang lalaking kabilang sa mga Pariseo, Nicodemo ang pangalan niya; pinuno siya ng mga Judio. Isang gabi, pinuntahan niya si Hesus at sinabi sa kanya: “Rabbi, alam namin na Guro ka galing sa Diyos. Sapagkat walang makagagawa ng mga tandang ginagawa mo, kung hindi sumasakanya ang Diyos.” Sumagot sa kanya si Hesus: Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ng Diyos kung hindi siya isisilang na muli mula sa itaas.” Sinabi sa kanya ni Nicodemo: “Paano maisisilang ang isang taong matanda? Di ba’t hindi s’ya makapapasok sa sinapupunan ng kanyang ina para isilang muli? Sumagot si Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakapasok sa Kaharian ng Diyos kung hindi siya isisilang mula sa tubig at Espiritu. Laman ang isinilang mula sa laman, at Espiritu ang isinilang mula sa Espiritu. Huwag kang magtaka dahil sa sinabi ko sa ‘yong kailangan kayong isilang mula sa itaas. “Umiihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig mo ang ihip nito, pero hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan ito patungo. Gayon din nga ang bawat isinilang mula sa Espiritu.”

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay pinalalalim ng Inang Simbahan ang kahulugan ng Sakramento ng Binyag na sinariwa natin sa selebrasyon ng Easter vigil at Easter Day.  Kaya nga, nakatutok ang pagbasa ngayon sa temang ito.  Tanong ni Nicodemo kay Hesus: ‘paanong ipanganganak pang muli ang isang taong matanda na?’  Sagot naman ni Hesus, “Tandaan mo ang

sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos." Tinutukoy ni
Hesus dito ang misteryo ng binyag. Ang binyag ay bagong buhay bilang ‘anak ng Diyos.’  Alam mo ba ang araw ng iyong binyag, Kapanalig? Iyon ang iyong kapanganakan bilang anak ng Diyos. Natatandaan ko pa nung una akong maging ninang sa binyag ng panganay na anak ng aking best friend:  Kay gandang pagnilayan na ang batang hawak ko ay hindi na lamang anak ng aking matalik na kaibigan kundi ‘anak ng Diyos!’ Ang lahat ng binyagan nga ay para bang ‘ipinanganak na mag-uli;’ sila’y binalot sa liwanag ng Espiritu Santo at napasailalim na sa kapangyarihan, grasya at pagmamahal ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng pananampalataya ng kanilang magulang at ng mga ninang at ninong, umaasa tayong sila’y lalago bilang anak ng Diyos at miyembro ng sambayanan ni Kristo.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings