PAULINES

Mabuting Balita l Abril 19, 2023 – Miyerkules


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 19, 2023

Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


Ebanghelyo: Juan 3:16-21

Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniniwala sa kanya; magkakaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindi naniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos. Ito ang hahatulan: dumating sa mundo ang liwanag subalit higit pang minamahal ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang gawa. Napopoot nga sa liwanag ang nabubuhay nang masama at hindi lumalapit sa liwanag at baka mahayag ang kanyang mga gawa. Sa liwanag naman lumalapit ang gumagawa ng katotohanan upang mahayag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.”

           

Pagninilay:

Mula sa panulat ni Sr. Ana Casayas ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Kapanalig, tungkol sa liwanag at dilim ang isa sa mga tema ng Ebanghelyo ngayon.  Ang konsepto ng liwanag at kadiliman ay isang karaniwang paghahalintulad na ginagamit sa maraming relihiyon at pilosopikal na tradisyon upang kumatawan sa mabuti at masama, kaalaman at kamangmangan, o kalinawan at kalituhan. Sa Kristiyanismo, madalas na nauugnay sa Diyos ang liwanag, na inilarawan bilang pinagmulan ng lahat ng liwanag at ang nagbigay ng buhay. Ang kadiliman naman, ay nauugnay sa kasalanan, kasamaan, at

kamangmangan. Araw-araw, nahaharap tayo sa hamon ng pagpili sa pagitan ng liwanag at kadiliman.  Ano ba ang madalas nating pinipili?  Kapanalig, ang Liwanag ay si Hesus mismo, ang liwanag ng sanlibutan. Ang kadiliman ay ang diyablo, ang nag-uudyok sa ating magkasala.  Kaya pinapa-alalahanan
tayo, na ang pagpili sa liwanag ni Hesukristo ay nangangahulugan ng pagtanggap sa mga turo Niya; at pamumuhay na nagpapakita ng Kanyang mga pinahahalagahan, tulad ng pagmamahal, pagpapatawad, at pagkahabag. Nangangahulugan din ito ng pagtanggi sa kasalanan at kasamaan, na maaaring ipakita sa maraming paraan. Sa pamamagitan ng pagpili sa liwanag ni Kristo, mararanasan natin ang espirituwal na paglago, at pagkakaroon ng kahulugan at layunin ng ating Buhay, at sa huli’y makakamit natin ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings