Mabuting Balita l Abril 2, 2023
Ebanghelyo: MATEO 21:1-11
Malapit na sila sa Jerusalem, [ang maraming taong sumusunod kayJesus] at pagdating nila sa Betfage at Betania, sa Bundok ng mga Olibo,
inutusan ni Jesus ang dalawang sa kanyang nga alagad: "Pumunta kayo sakabilang ibayo at may makikita kayo roong isang asnong nakatali na di pa
nasasakyan ninuman. Kalagan n’yo ito at dalhin sa akin. Kung may magtanong sainyo, “Ano ang gingawa ninyo?” sabihin ninyo: Kailangan ito ng Panginoon pero
ibabalik din kaagad. Umalis sila at nakita ang asnong nakatali sa labas ng pintuan at kinalagan nila ito. At sinabi sa kanila ng ilang naroroon: “Bakit
niyo kinakalagan ang asno?” Isinagot nila ang sinabi ni Jesus at pinabayaan sila ng mga tao. Kaya dinala nila ang asno kay Jesus at isinapin dito ang
kanilang mga balabal, at naupo rito si Jesus. Marami naman ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, at may iba pang naglatag ng mga sangang pinutol
nila sa bukid. Sumisigaw ang mga taong nangunguna at sumunod sa kanya. “Hosanna, Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” Mapalad ang
dumarating na kaharian ng ating ninunong si David “Hosanna, luwalhati saKaitaasan!”
Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa Ebanghelyo. Mga kapatid, sinisimulan natin ngayon ang Semana Santa sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Inaala-ala natin ngayon ang maringal na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan sinalubong siya ng mga tao, nagbibigay pugay, iwinawagayway ang mga palaspas habang sumisigaw ng “Hosanna”. Sinalubong nila si Hesus
bilang hari. Siya nga ang kanilang tagapagligtas at ang pagtungo niya sa Jerusalem ang tanda ng simula ng kanyang gagawing pagliligtas. Pero, ginawa niya ito sa paraang hindi nila inaasahan. Ang Hari ng Israel ay nagpakasakit, nagpasan ng Krus at namatay. Ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan
hindi sa pamamagitan ng lakas, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig. Pag-ibig na handang mag-alay ng Buhay alang-alang sa kanyang mga minamahal. Ang
kanyang korona ay ang mga tinik; ang kanyang trono ay ang krus kung saan inialay niya ang kanyang buhay. Ito ang ating hari. Sabi ni San Pablo, “Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at nagging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.” (Fil. 2:4-8). Mga kapatid, ngayong Semana Santa, huwag nating kalimutang magpasalamat sa ating Hari. Inialay niya ang kanyang buhay para sa ating kaligtasan. Mamutawi nawa lagi sa ating mga labi “Hosanna sa Anak ni David, Hari ng Israel”!