PAULINES

Mabuting Balita l Abril 23, 2023 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 23, 2023

Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


Ebanghelyo: Lk 24: 13-35

 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labinlimang kilometro mula sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot. Sumagot ang isa sa kanila na nagngangalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?” “Ano?” “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Propeta. Nang

nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala
nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo, doon sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem.

Pagninilay:

Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Hindi ba’t nakakapagtaka kung bakit hindi nakilala ng dalawang alagad si Hesus. Si Hesus na nakasama nila, nagpakain sa kanila, nangaral kasama nila at nagkapakita ng maraming himala sa kanila. Bakit hindi nila siya nakilala? At tanging sa paghahati-hati ni Hesus ng tinapay, saka lamang nabuksan ang kanilang mga mata. Madalas ganito din tayo mga kapanalig. Hindi natin nakikita si Hesus na kasama nating naglalakbay. Lalo na kung puno ng takot, pangamba ang ating mga puso. Kung maaalala natin, tumatakas ang dalawang alagad palayo ng Jerusalem dahil sa pag-uusig sa kanila. Pero, napawi ang lahat ng ito dahil sa kanyang pangaral at sa paghahati-hati ng tinapay, tulad ng ginagawa natin sa Eukaristiya.   Nawa mga kapanalig makatagpo natin si Hesus na kasama nating naglalakbay sa bawat yugto ng buhay. At madama ang kanyang presensya sa Banal na Eukaristiya.


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings