PAULINES

Mabuting Balita l Abril 23, 2024 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 23, 2024 – Martes sa Ika-4 na

Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


Ebanghelyo: Jn 10:22-30

Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang

ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. “Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na
walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay
sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”

 

Pagninilay:

Mula sa panulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mahirap pong pagsabihan ang mga taong mas marunong pa sayo. Kadalasan nga ay nagmamarunong lang naman talaga. Mahirap ding kumbinsihin ang taong papilit pa. Yun bang wala naman talaga siyang intension maniwala. Gusto lang ng bangayan.  Mga kapanalig, ganun po ang nangyari kay Hesus at sa mga Judio sa ating mabuting balita. Marahil sila man ay naguguluhan na din kung sino ba itong si Hesus? Kinikilala namin ang kanyang mabuting gawa, pero ang kanyang pagkatao o pagka-Diyos hindi namin kikilalanin…   Kung kilala mo ang iyong sarili, hindi mo na kailangang ipagpilitan pa ito sa iba. Hayaan mong ang iyong salita at gawa ang magbunyag ng iyong pagkakakilanlan. Tulad ng ating Panginoong Hesus, magkaroon din nawa tayo ng malinaw na pananaw

sa sarili, paninindigan, upang tayo rin maipahayag na Siya’y ating tunay na Diyos.

Manalangin tayo:  Panginoon, bigyan Mo po ako ng kababaang-loob na makilala ang aking sarili.  Maging

bukas nawa ako sa iyong grasya ng paghilom. 
Tulungan Mo po akong baguhin ang pag-uugali kong taliwas sa’yong mahal na kalooban, Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings