PAULINES

Mabuting Balita l Abril 25, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril25, 2023

Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


Ebanghelyo: Mk 16:15-20

Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.


Pagninilay:

Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mga kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayonang kapistahan ni San Markos Ebanghelista. Ang Ebanghelyo ni San Markos ang sinasabing unang Ebanghelyong naisulat.  Si San Markos ang unang nagkuwento sa atin ng naging buhay ng ating Panginoong Hesus at nagbahagi ng kanyang mga aral.  Sinasabing isinulat ni San Markos ang kanyang Ebanghelyo para sa mga Kristiyanong dumadaan sa matinding pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.  Kaya naman binigyan niya ng diin sa kanyang Ebanghelyo, ang kahalagahan ng pagkamatay ni Hesus sa Krus.  Nais niyang ipahayag sa mga Kristiyanong nagdurusa na may kabuluhan ang kanilang pinagdaraanan, may pagpapala sa pagpapakasakit, at may biyaya ang sinumang nakikiisa sa pagdurusa at kamatayan ni Hesus sa Krus.  Nais niyang palakasin ang kanilang loob, kung papaanong pinalakas ni Hesus ang loob ng kanyang mga alagad.  Sa panahon natin ngayon, sa iba’t-ibang panig ng daigdig, marami tayong mga kapatid na Kristiyano na patuloy na inuusig at nagdurusa dahil sa kanilang pananampalataya.  Ipanalangin natin sila at huwag natin silang

kalimutan.  Magakaroon nawa sila ng lakas at pag-asa, sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

Manalangin tayo:

Panginoon, kalingain Mo po at palakasin ang pananampalataya ng mga Kristyanong nakararanas ng pag-uusig at paghihirap. Ingatan Mo po sila at ipagtanggol.  Humugot nawa sila ng lakas ng loob, Sa’yong Banal na Salita.  Matularan nawa nila ang pananalig ni San Markos, Ebanghelista na hindi nagpatinag sa gitna ng pag-uusig. San Markos, ebanghelista, ipanalangin mo kami. Amen

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings