PAULINES

Mabuting Balita l Abril 26, 2023 – Miyerkules


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 26, 2023

Miyerkules sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


Ebanghelyo: Jn 6:35-40

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin. Subalit sinabi ko sa inyo: Nakita na ninyo at hindi kayo naniniwala. Lalapit sa akin ang anumang ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko ipagtatabuyan sa labas ang lumalapit sa akin. Sapagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi upang gawin ang kalooban ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin na huwag kong pabayaang mawala ang anumang ibinigay niya sa akin; sa halip ay ibabangon ko ito sa huling araw. Ito ang kalooban ng aking Ama: ang bawat nakasaksi sa Anak at naniniwala sa kanya ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.”

 

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz, ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  (Mga kapanalig, mula 2019 hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng mga nagkukulang sa pagkain ay nananatiling mataas. Sabi sa survey, ang undernourished worldwide ay as many as 150 million. Ito ang krisis gawa ng digmaan ng mga bansa, climate change, at ng dating deadly na covid 19.    Estimates naman sa Philippine Statistics Agency o PSA, 4.5 million na mga Pilipino ay homeless, at minsan lang sa isang araw ang full meal. Majority sa kanila, nasa Metro Manila. Natutulog sa ilalim ng tulay, sa mga tagong sulok.  Kapag traffic, kakatok sa bintana at manghihingi ng limos.)  Maaari rin nating masabi na kasama tayo sa mga nagugutom. Gutom sa pagmamahal, sa atensyon, sa

hustisya, sa kapayapaan. Higit sa lahat, gutom tayo sa Panginoon. Ito ang Katotohanan na kinakaharap natin. Tapatan natin ang salitang gutom ng
pananabik. Nananabik tayo sa wagas na pag-ibig. Nananabik tayo sa katarungan. Marami sa atin ang biktima ng krimen o ng himagsikan. Ilan na rin ang biktima ng natural disasters tulad ng malalakas na lindol, ng mga bagyo at baha. Ang lahat nang ito nalalaman ng Diyos. Walang natatagong lihim sa Diyos.  Kaya nang sinabi ng ating Hesus Maestro na Siya ang Pagkaing Nagbibigay-buhay, naka-address ang pagpapakilala Niya sa ating lahat.  Alam Niya na lahat tayo may kanya-kanyang pakikibaka. Marami sa atin ang pagod na. Kaya bago tayo sumuko, i-like muna natin ang proposal ni Lord. Next, manabik tayo sa Kanya.  Manabik tayong dalawin at ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya.  Manabik tayong tanggapin ang Kanyang Sagradong Katawan sa loob ng Misa.  Ito ang magbibigay sa atin ng biyaya na lumakas ang ating kalooban. Mula dito, bibigyan Niya tayo ng sapat na sustansya para mag-grow tayo sa relationship natin sa Kanya at sa pakikipagkapwa.  Siya ang maglilinis ng ating kasalanan.  At higit sa lahat, mananahan Siya sa atin. Patatatagin Niya ang ating kalooban na gumawa ng pawang kabutihan at umiwas sa masama. Dahil dito, patuloy na mabubusog ang ating puso at hindi na muling magugutom pa.


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings