PAULINES

Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay        

Ebanghelyo: Jn 14:7-14

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala n’yo rin ang aking Ama. Ngunit kilala n’yo siya at nakita n’yo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot naman sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon n’yo na akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa

akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala
kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa
Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” 

 

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  In Jesus name, “hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus.” Madalas ganito tayo manalangin, at maging sa Misa ay maririnig natin ang mga salitang ito. Marahil hango ito sa ating Ebanghelyo

ngayon araw, kung saan sinasabi ni Hesus, na kung anuman ang hihilingin natin sa Ama sa pamamagitan nya ay tiyak na ipagkakaloob.  Pero may iba sa atin na ginagamit ang pangalan ni Hesus na parang magic. Na kapag babanggitin nila ang mga salitang ito na
kahit walang pananampalataya, ay matutupad ang kanilang ninanais. Parang Hocus Pocus. Pero eto nga ba ang ibig sabihin ni Hesus?  Mga kapanalig, mahalaga ang pangalan, makapangyarihan ang pangalan, maging sa konteksto ng mga Hudyo. Nagkakaroon tayo ng kapangyarihan sa mga taong nakikilala natin.  Pero, ang kapangyarihang ito ay nagmumula sa pakikipag- ugnayan natin kay Hesus, sa ating personal na relasyon sa kanya at
sa Ama. Dito, ipinapakita din ni Hesus ang kanyang malalim na ugnayan sa Ama, dahil ang Ama at siya ay iisa. Sa pagkakakilala natin kay Hesus, nakikilala din natin
ang Ama.  Kaya sa pagsasabi natin ng in Jesus’
name, o sa pangalan ni Hesus, nagpapahayag tayo na tayo ay kaisa niya, at nabibilang sa kanya, sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Tayo ay
pinaghaharian niya, at doon nagmumula ang ating tiwala na humiling sa Ama.

 

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings