PAULINES

Mabuting Balita l Abril 3, 2023 – Lunes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 3, 2023

Lunes Santo       



Ebanghelyo: Juan 12:1-11

Anim naaraw bago mag-Paskuwa, pumunta si Hesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro na pinabangon ni Hesus mula sa mga patay.  Kaya naghanda sila roon ng hapunan para sa kanya.  Naglilingkod si Marta at si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Hesus.  Kinuha ni Maria ang isang libra ng mamahaling pabangong mula sa tunay na nardo at pinahiran niya ang mga paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok ang mga paa nito.  Napuno ng halimuyak ng pabango ang pamamahay. Sinabi ni Judas Iskariote na isa sa kanyang mga alagad na siyang magkakanulo sa kanya: “Ano ito?  Maipagbibili sana ang pabangong ito sa halagang tatlundaang denaryo para maibigay sa mga dukha.”  Sinabi niya ito, hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha kundi dahil magnanakaw siya; hawak niya ang pananalapi at nangungupit doon. Kaya sinabi ni Hesus: “Bayaan mo na siya; inilaan na niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin.  Kasama ninyong lagi ang mga dukha, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.” Marami sa mga Judio ang nakaalala na naroon siya.  At dumating sila hindi dahil lamang kay Hesus kundi upang makita nila si Lazaro na pinabangon niya mula sa mga patay.  Pinag-usapan naman ng mga Punong-pari ang pagpatay pati na kay lazaro, sapagkat marami sa mga Judio ang lumilisan dahil

sa kanya at naniniwala kay Hesus.


Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  (Sabi ng iba, kapag nagmamahal ka, huwag mong
ibubuhos ang lahat. Magtira ng konti for yourself para may reserba ka. May huhugutin ka pa kapag ang ibinuhos mong pagmamahal hindi nasuklian. May punto, di ba? Pansinin natin, na naiiba ang Mabuting Balita sa atin ngayon. Kapag tunay mong mahal ang isang tao, magiging maluho ka sa pag-aalay. Ibubuhos mong lahat para masiyahan ang iyong minamahal. Maluho nga ang magmahal. Pumasok tayo sa tagpo.) Si Maria na kapatid ni Marta at ni Lazaro, nagbuhos ng mahalimuyak at mamahaling nardo sa paa ni Jesus Maestro. Precious oil for the precious and sacred feet. Ito ang paa na tatahak paakyat sa bundok ng kalbaryo.  (Malamang dahil best friends sila, na-iconfide sa kanilang magkakapatid ang tatahakin ni Jesus Maestro na pagpapakasakit at pagkamatay.  Nakakatawag-pansin din na sariling buhok ang ginamit ni Maria para manuot ang mabangong langis sa mga balat ni Jesus Maestro. Crowning glory niya ipinampunas para bigyang dangal ang Panginoon. Isang decisive moment ito kay Maria.)  Minahal siya nang lubos. Ngayon naman, magarbong buhos ang ipinalit niya. Mga kapatid, ngayong Mahal na Araw, ano’ng mahalimuyak at mahalagang alay ang idudulog natin sa paa ng ating
Panginoon? Mahalimuyak kaya ng langis ng pagpapakumbaba? O ang dating mahalagang pag-rerelax na ngayon kakayanin nating i-let go dahil mas mahalaga
sa atin ang pagtahak sa mga Istasyon ng Krus? O ang mahalagang pagpapatulo ng pawis para tulungan ang naghihirap? Maging maluho tayo ngayong Mahal na Araw. Tapatan natin ang mahal at maluhong pagtagas ng dugo na ipinanghugas sa ating kasalanan.  Maluho Siyang magmahal.  Iginayak Niya ang Kanyang buong buhay para magmistulang pambayad para sa ating kaligtasan.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings