Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Abril 5, 2023
Pumunta sa mga Punong-pari ang isa sa Labindalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: “Magkano ang ibibigay ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo? Inalok nila ito ng tatlumpung baryang pilak, at mula noon, naghanap ito ng pagkakataong maipagkanulo siya. Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, lumapit kay Hesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?” Sumagot si Hesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya: 'Sinasabi ng Guro: malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad.'” At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Hesus at inihanda ang Paskuwa. Pagkalubog ng araw, nasa hapag
Pagninilay:
Ang hapunang Pampaskuwa na pinagsaluhan ni Hesus at ng kanyang mga alagad, ay isang pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagtitiwalang nagbubuklod sa kanila. Tunay ngang nakalulungkot na nasira ng pagtataksil ang buklod na ito. Hindi lamang kasakiman ang dahilan ng pagkakanulo ni Hudas. Higit sa lahat, bunga ito ng nasirang pananampalataya. Hindi na rin niya iniisip na kaibigan niya si Hesus. Ipinagbili niya ito at humanap siya ng pagkakataong maipagkanulo ang kanyang Panginoon. Kapatid, naranasan mo na bang maipagkanulo ng iyong kaibigan, mahal sa buhay o pinagkatiwalaang tao? Isang napakasakit at napakalungkot na karanasan ang maipagkanulo, lalo na ng mga taong malapit sa ating puso. Sinayang nito ang tiwala at winasak ang pagkakaibigan. Tanging ang mga mahal natin sa buhay at mga taong ating pinagkakatiwalaan ang maaaring magkanulo sa atin. Pero kung malalim ang ating pinagsamahan at wagas ang pagmamahalan sa isa’t isa, magagawa nating magpatawad, sa tulong na rin ng Panginoon. Ganito kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings