Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Abril 5, 2024 – Biyernes
Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 21:1-14
Muling ibinunyag ni Hesus ang kanyang sarili sa mga alagad sa may Lawa ng Tiberias. Ibinunyag niya nang paganito. Magkakasamang naroon sina Simon Pedro, Tomas...at dalawa pa sa mga alagad niya. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro: “Aalis ako para mangisda.” Nang madaling-araw na, nakatayo si Hesus sa dalampasigan pero hindi nakilala ng mga alagad na si Hesus iyon. Tinatawag sila ni Hesus: “Mga bata, may kaunti kaya kayong makakain?” Sumagot sila sa kanila: “Wala!” Sinabi naman niya sa kanila: “Ihulog n’yo sa bandang kanan ng bangka ang lambat at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nga nila at hindi na nila makayanang hilahin iyon dahil sa
Pagninilay:
Isinulat ni Sr. Gemmaria De la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Nabubuhay ka pa ba sa kahapon? Dahil ba nabigo ka? Do you have come face to face sa questions of pain, suffering, o kaya, loneliness? Ngayon, naggoodbye ka na sa nasimulan na malalim na ugnayan sa iyo ni Lord, at di mo nakayanan ang mabigat na challenge. Feeling mo, talagang iniwan ka Niya. Kaya back to normal way ka na. Sa tagpo na narinig natin, bumalik si Pedro sa dati niyang ginagawa. Ang mangisda. Sumama rin si Tomas at dalawa pang alagad. Back to normal way sila, na sa bandang kaliwa ng bangka sila naghuhulog ng lambat. Nasa kultura ito ng mangingisda, at normal nila itong paraan, para ang kanang kamay ang hihila pataas kapag may huli na. Kaso magbubukang-liwayway na, wala pa silang huli. Kaya nang marinig nila ang tinig, bago pa nila makilala na si Hesus Maestro ‘yon, tumalima sila na ihulog sa kanan. Noon din, napuno ang kanilang lambat! Ngayong Easter, narito sa atin ang Muling Nabuhay na Panginoon. Inaalalayan tayong maka-recover sa ating pag-asa, lakas-loob, at direction in life. Let us remember na tayo ang dahilan ng pagbangon Niya mula sa puntod. Kaya’t sumama tayo sa Kanya na lumukso sa Liwanag!
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings