Sign up to save your podcasts
Or

Huwebes Santo
Ebanghelyo: Juan 13:1-15
Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras upang tumawid mula sa mundong ito patungo sa Ama, at siya na nagmahal sa mga sariling kanya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa katapusan. Naghahapunan sila at naipasok na ng diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik. Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit s’ya kay Simon Pedro sinabi nito sa kanya, “Panginoon, ikaw ba ang maghuhugas sa aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang aking ginagawa, ngunit mauunawaan mo makaraan ang mga ito.” Sinabi sa kanya ni Pedro, “Hinding-hindi mo huhugasan ang aking mga paa, magpakailanman.” Sumagot si Hesus sa kanya, “Kung hindi kita huhugasan wala kang kaugnayan sa akin.” Sinabi sa kanya ni Simon Pedro, “Panginoon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati na ang mga kamay at ulo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mga paa lamang ang kailangang hugasan nang naligo na dahil malinis na ang buo n’yang sarili. Malinis na nga kayo, subalit hindi lahat.” Kilala na ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Dahil dito kaya niya sinabing: ‘hindi lahat kayo’y malinis’. Kaya nang mahugasan niya ang kanilang paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'Guro' at 'Panginoon.' Tama ang pagsasabi ninyo, dahil ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa't isa. Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.”
Pagninilay:
Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Ang hapag Kainan ang isa sa pinaka importanteng bahagi ng isang tahanan. Dito nagsasalo-salo ang pamilya at maging ang malalapit na kaibigan natin. At hindi lang pagkain ang pinagsasaluhan dito, maging ang mga kwento, saya at mga problema. Sa ganitong paraan din nararamdaman natin na kabahagi tayo ng isang pamilya. Sa ganitong paraan din itinaguyod ni Hesus
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings