PAULINES

Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado

Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Mk 16:9-15

Una siyang napakita kay Maria Magdalena na mula rito’y pitong demonyo ang pinalayas niya. Umalis siya at ibinalita ito sa mga kasama ni Hesus na noo’y umiiyak at

nagluluksa. Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Hesus at napakita sa kanya. Pagkatapos nito, napakita naman si Hesus sa ibang anyo sa dalawa sa kanila habang papunta sila sa labas ng bayan. At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa iba pero hindi rin sila naniwala sa kanila. Sa dakong huli, nang nasa hapag ang Labing-isa, napakita sa kanila si Hesus at
pinagsabihan sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin. At
sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal.”


Paninilay:

Mula sa panulat ni Cl. Eugene Leaño ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Anong pakiramdam ng hindi paniwalaan? Masakit, di ba? sobrang sakit, lalong lalo na kung galing sa mga taong mahal mo, at tinuturing mong kaibigan. Syempre nga

naman, hindi ka ba nila pinagkakatiwalaan, kaya hindi ka pinaniniwalaan? At anong klaseng kaibigan naman ang meron ka, kung hindi ka pinagkakatiwalaan? Marahil
ganito ang naranasan ni Maria Magdalena at ng dalawang alagad sa ebanghelyo natin ngayong araw.  Tunay na nagpakita sa kanila si Hesus, pero kahit anong sigla nila sa pagbabalita, hindi sila pinaniwalaan ng ibang mga alagad. Mawawari na lang natin, kung gaano nakakadismaya, na ang Magandang balitang dala natin ay hindi pinapaniwalaan ng iba. Pero ito ang mensahe ng ebanghelyo natin ngayong araw. Sigurado akong, gagawa
ang Panginoon ng kababalaghan sa ating buhay – maaaring ito’y sa maliliit na bagay, maaari rin namang sa malalaking bagay. At tayo’y puno ng galak na
ipamamalita sa ating mga kaibigan at kakilala ang ginawang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Pero meron at merong hindi maniniwala sa atin. Sasabihin nila,
“coincidence lang yan!” O di kaya nama’y sasabihin nilang, hindi ‘yan gawa ng Diyos kundi ng tao. Sa ganitong sitwasyon, huwag tayong padadaig. Gaya nina
Maria Magdalena at ng dalawang alagad na hindi pinaniwalaan, huwag tayong susuko sa pagpapalaganap ng mabuting balita, kahit pa konti ang maniwala sa
atin. Ipalaganap natin ang presensya ng Diyos sa lahat, kahit na tayo’y pagdudahan. Sumulong tayo sa pananampalataya!

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings