PAULINES

Mabuting Balita l Abril 7, 2023 – Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita l Abril 7, 2023

Biyernes Santo

Ebanghelyo: Juan 18:1-19:42

Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa Ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo'y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat. Ngunit kailangang maganap ang isa pang Kasulatan, at sinabi niya: “Nauuhaw ako!” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak. Kaya ikinabit nila sa isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniit nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi niya: “Natupad na!” At pagkayuko ng ulo ibinigay n’ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi kaya maniwala kayo.


Pagninilay:

Mula sa panulat ni Sr. Ana Casayas ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Sa araw na ito buong puso ituon ang ating mga mata sa Krus, kung saan ang Kamatayan at Buhay, matatagpuan; at kung saan ang Buhay, nagtagumpay sa Kamatayan. Sa Krus, ang ating Panginoon Hesus ay nag-alay ng “mga panalangin at pagsusumamo para sa atin, nang may malakas na pag-iyak at luha sa harap ng Kanyang Ama. Minahal niya tayo hanggang sa wakas, hanggang sa binigkas niya ang kanyang huling salita, "Tapos na."  Mga kapatid, ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapabanal sa araw na ito, isang araw ng makabagbag-damdaming pag gunita, na nagbibigay din ng matinding kagalakan.  Sa Krus, ipinapakita ng Diyos ang kahanga-hangang kagandahan ng Banal na Awa. Dahil sa pamamagitan ng Krus ng Panginoong Hesukristo, ang Diyos " ay nag-aalok sa atin ng katiyakan ng pag-ibig at bagong buhay.


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings