Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Abril 9, 2023
Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 20:1-9
Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus. “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya. Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan niyang magbangon mula sa mga patay.
Pagninilay:
Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa Ebanghelyo. Maligayang Pasko ng muling pagka-buhay, mga kapatid! Nagtagumpay ang ating Panginoong Hesus sa kamatayan! Inakay niya tayo sa buhay na walang hanggan! “Aleluya” ang ating awit! Habang pinagninilayan natin ang ating Ebanghelyo sa araw na ito, dalawang bagay ang paanyaya sa atin. Una, inaanyayahan tayong manalig. Tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Pawiin natin ang anumang pagdududa sa ating mga puso. Alisin natin ang anumang takot. Hayaan nating galak ang manaig sa ating mga damdamin. Ikalawa, inaanyayahan tayong maging mga saksi. Ibahagi natin ang galak na ating nadarama. Ipahayag natin ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa. Sikapin nating magbigay ng pag-asa sa ating kapwa. Patibayin natin ang kanilang pananampalataya. Ipadama natin sa kanila ang hindi matatawarang pag-ibig ng Diyos. Manalig at maging saksi, iyan ang paanyaya sa atin. Bagong buhay at bagong pag-asa ang hatid sa atin ng muling pagka-buhay ng ating Panginoon. Mga kapatid, marami tayong mga kapatid na nabubuhay sa kadiliman at kawalan ng pag-asa. Dalhin natin ang mabuting balita ng muling pagkabuhay sa kanila. We are an Easter People! Makita nawa ito sa atin ng ating kapwa sa ating mga gawa.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings