Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Agosto 1, 2023
Martes sa Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon
San Alfonso Maria Liguorio, Obispo at pantas ng Simbahan
Ebanghelyo: Mt 13:36-43
Pinaalis ni Hesus ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang kanyang mga alagad at nagtanong: “Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo sa bukid.” Sumagot si Hesus: “Ang nagtanim ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao. Ang bukid naman, ang
Pagninilay:
Mga kapanalig, napakaraming bagay ang pinagdedebatehan sa panahon natin ngayon, na nagdudulot sa atin ng kalituhan, agam-agam at pangamba. Dapat bang gawing legal ang divorce? Ang abortion? Makakatulong ba talaga sa pag-angat ng ating ekonomiya ang Maharlika Investment Funds? Paano kung kurakutin lang ito at mauwi sa bulsa ng iilan? Ano ang marapat gawin para mahinto na ang cyber bullying at online scamming? At napakarami pang ibang usapin. Sa personal nating buhay, kadalasan hirap din tayong magpasya kung ano ang tama; at kung ano ang gagawin natin, sa gitna ng mga nakikita nating katiwalian. Magbubulag-bulagan na lamang ba tayo? O maglalakas-loob na magsalita. Paano kong manganib ang buhay ko? Paano kung mawalan ako ng trabaho? Paano ko bubuhayin ang pamilya ko, kung hindi ako kakapit sa masama? Mga kapatid, kapag nalagay tayo sa ganitong sitwasyon, sana’y sundan natin ang halimbawa ng mga apostol, na lumapit sa Panginoong Hesus. Humingi tayo ng Kanyang paggabay:
Manalangin tayo: Panginoon, patatagin mo kami sa aming
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings