PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 11, 2023 – Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 11, 2023 – Biyernes

Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon

Paggunita kay Santa Clara, dalaga

Ebanghelyo:  Mt. 16:24-28

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito. Ngunit ang naghahangad ng mawalan nito ang makakatagpo nito. Ano ang Pakinabang ng tao, tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawawala. Sa ano

maipagpapalit ng tao ang kanyang sarili. Darating nga ang anak ng tao taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang banal na Anghel. At doon niya gagantimpalaan ang bawat isa, ayon sa kanyang mga nagawa. Totoong sinasabi ko sa inyo, na makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari, bago sila mamatay.

Pagninilay:

Madalas kapag bumibisita ako noon sa ospital, at bata ang may karamdaman, sinasabi ng Nanay, “naku, Ineng! Kapag ganito ang sitwasyon, mas gugustuhin ko pa na ako ang may sakit, wag lang ang aking anak”. Makikita natin sa puso ng ina, ang labis na pagmamahal sa kanyang anak. Gayundin naman sa mga ama ng tahanan, na tunay na

ginagampanan ang kanilang tungkulin. Naranasan ko ito sa aming mga magulang. Lumaki kaming hindi nahiwalay sa aming mga magulang. At ako bilang Ikatlo sa apat na magkakapatid; nakita ko at naranasan, ang sakripisyo ng aming mga magulang. Parehas mananahi ang aking tatay at nanay. Para sa kanila, hindi sapat ang kita ng buong araw, para itustos sa pangangailangan ng pamilya, at sa pag-aaral ng aking mga kapatid na nagsisipag-aral sa Maynila. Kaya upang may Dagdag na kita ang tatay namin, pumapasada siya ng aming tricycle sa gabi. Ako naman,
na tumigil muna ng pag-aaral sa College, ay namasukang tindera sa palengke, at sa huli'y naging clerk sa aming Parish Cooperative. Mga kapanalig, kapag binabalikan ko ang kwento ng buhay ko, taos-puso ang pasasalamat ko sa Diyos, sa pagbibigay sa akin ng mga magulang na naging mabuti, responsable, mapagmahal at masipag. Maaaring mula sa langit ay laging nakatunghay sa amin si Tatay, at sa harap ng Panginoon Hesus, kanyang sinasabi, Panginoon sila ang aking pamilya
na ipinagkatiwala mo sa akin. Salamat sa Diyos, at salamat sa aking Tatay. Salamat sa lahat ng biyaya na mula sa pagmamahal ng Diyos ay aming nakamtan.  Totoo nga, na sinumang mag- alay ng buhay dahil sa pagmamahal ay may katumbas na ligaya.

Manalangin tayo: 

Panginoon, salamat po sa pamilyang kaloob mo sa amin. Patuloy mo po kaming gabayan at ingatan. Itinataas ko po sa inyo ang lahat ng mga magulang, na ngayo'y nasa ibang bansa, upang itaguyod ang kanilang pamilya. Ang aming mga OFWs na nagsisikap para sa kanilang mga mahal sa buhay. Amen.

-Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings