PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 15, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 15, 2023

Martes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon

Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal ng Birheng

Maria (ABK)

Ebanghelyo: Lc 1:39-56

Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si

Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.”
At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyangPangalan. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.”


Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Si Maria ang great Masterpiece ng Banal na Diyos! Ang Banal na Diyos Ama, na sa Kanyang Banal na Espiritu, pinuspos si Maria nang hindi mabahiran ng kasalanan, at nang

maging karapatdapat na maging Ina ng Diyos Anak. Siya rin ang Kabanal-banalang Diyos, na nag-akyat kay Maria sa Langit. Bilang Simbahan na naglalakbay, patungo sa banal na Tahanan ng Banal na Diyos, si Maria ang watawat ng ating pag-asa. Sa narinig nating Mabuting Balita ngayon, lumabas si Maria at nagmadali patungo sa kanyang pinsan na si Elisabet. Ito ang naging tema ng World Youth Day 2023 sa pamumuno ni Pope Francis noong August 1-6 sa Lisbon,
Portugal. “Mary arose in haste” o “Lumabas at nagmadali si Maria.” Bawat kabataan, lumalarawan kay Maria. Inaasahang makibahagi sa misyon, ang bawat youngster, na dalawin ang mga nag-iisa; magbahagi ng masasayang balita via internet; magvolunteer sa mga local charities sa kinabibilangang Parokya. Ilan ito sa tinatawag na paglalakbay tungo sa kabanalan: Ang lumabas at dalhin si Kristo sa diwa ni Maria.

-Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings