PAULINES

MABUTING BALITA l AGOSTO 16, 2022 – MARTES


Listen Later

MABUTING BALITA l AGOSTO 16, 2022 – Martes sa Ika – 20 na Linggo sa Karaniwang Panahon

San Roque, manggagamot



Ebanghelyo: Mt 19:23-30

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Talagang sinasabi ko sa inyo: mahirap makapasok ang mayaman sa Kaharian ng Langit. Oo, maniwala kayo, mas madali pa para sa isang kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Langit.” Nang marinig ito ng mga alagad, namangha sila at sinabing: “Kung gayon eh, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sumagot: “Imposible ito para sa tao; subalit sa Diyos, lahat ay posible.” Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo: ano naman ang para sa amin?” “Talagang sinasabi ko sa inyong mga sumusunod sa akin: sa Araw ng Pagbabago, pag-upo ng Anak ng Tao sa kanyang trono nang buong kaluwalhatian, uupo rin kayo sa labindalawang tribu ng Israel. At ang mag-iwan ng mga tahanan, mga kapatid, ama at ina, mga anak o mga bukid alang-alang sa Pangalan ko, tatanggap siya ng sandaang beses at makakamit ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”

Pagninilay:

Wala bang mayaman na makakapasok sa kaharian ng langit? Ang sagot po, meron. Sa ating narinig na ebanghelyo—ang sabi ay mahirap makapasok, hindi wala makakapasok. Kung babalikan natin ang parabula ng isang mayamang hari at ni Lazaro kitang kita po kung bakit hindi nakapasok ang hari sa langit—bulag siya sa pangangailangan ni Lazaro. Kaya naman, crucial po iyon sa mga nakakatamasa ng masarap na buhay kaysa sa iba. Kaya nga ang madalas na sabi ay “As we grow in our standard of living, we should also increase our standard of giving.” Hindi naman masama kung magbibigay, sapagkat parte po iyon ng ating sakrispisyo bilang kapwa. Sa ikalawang bahagi po ng ebanghelyo tinanong ni Pedro si Hesus, pano naman kami na iniwan ang lahat para sa iyo? Tatanggap din kayo ng inyong gantimpla ani Hesus. Mga kapanalig bamagat tinawag tayo ng Diyos sa ibat ibang uri ng bokasyon at pamumuhay patuloy nawa tayong maglingkod sa bawat isa lalong-lalu na yaong kapus-palad at lubhang mahihirap. Marahil marami na hong pumasok sa langit dahil sila’y mayaman: mayaman sa material na bagay, gayundin nama’y mayaman sa malasakit at pagmamahal. Sikapin nawa natin na maglingkod ng walang inaantay na kapalit, pero patuloy na nananalig na ang Diyos hindi nakalilimot sa kanyang pangako. Amen.

Cl. Vinz Aurellano, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings