Mabuting Balita l Agosto 17, 2023
Huwebes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon
Santa Clara ng Montefalco
Ebanghelyo: Mt 18:21 – 19:1
Nagtanong si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid? Pitong
beses ba? Sumagot si Hesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses. Tungkol sa Kaharian ng Langit ang kasaysayang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga utusan. Iniharap sa kanya ang isang may utang ng sampung libong baretang ginto. Dahil walang maibayad sa kanya ang tao. At nagpatirapa naman sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang. Pagkaalis
ng opisyal na ito, nasalubong niya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya. Nagpatirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nagsabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon. Ngunit tumanggi siya at ipinakulong ito hanggang makabayad ng utang. Labis na nalungkot ang kanilang kapwa-lingkod nang makita ang nangyari. Kaya pinuntahan nila ang kanilang panginoon. ‘Masamang utusan, Di ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpahirap hanggang mabayaran nito
ang lahat ng utang. Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”
Mga kapanalig, tampok sa ating Mabuting Balita ang Talinghaga ng “Wicked Servant.” Ginamit ito ni Hesus bilang magandang pagkakataon upang turuan ang kanyang mga alagad ng pagpapatawad. Alam niyo po mahirap naman talaga magpatawad. Lalo na kungnasaktan ka talaga, at parang “okay” lang dun sa nanakit sayo, yung remorseful
but not contrite. Nagsisisi pero hindi humihingi ng tawad. Pero mas masaklap yung kinaawaan ka na, naging mas malupit ka pa sa iba. At yan po ang nais ipunto sa atin ng Mabuting Balita ngayong araw. Yung awa ng Diyos hindi natatapos, patuloy na bumubuhos sa atin. Kaya sa mga pagkakataong kailangan mong magpatawad, isa-isip mong nauna ka nang kinaawaan, pinatawad, at patuloy na minamahal ng Diyos. Kaya wala ring punto kung magiging malupit tayo sa isa’t
isa. Vicious cycle of sin ang tawag dun—paulit-ulit lang ang lupit at dahas. Tulad ng servant sa ating Mabuting Balita, may kalalagyan ang mga taong malupit. Magandang tapusin ang pagninilay na ito sa tinuran ng ating yumaong Santo Papa, Benedict XVI: “Forgiveness is not a denial of wrongdoing, but a participation in the healing and transforming love of God which reconciles and restores”
- Bro. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul