PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 18, 2023 – Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 18, 2023 – Biyernes

Biyernes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon

Santa Elena

Ebanghelyo: Mt 19:3-12

 Lumapit kay Hesus ang ilang Pariseo na hangad siyang subukan, at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” “Hindi ba Ninyo nabasa na sa simula’y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at sinabi rin

nitong iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at pipisan sa kanyang asawa, at magiging iisang katawan ang dalawa? Kung gayo’y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan na lamang; kaya huwag papaghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ang babae ng kasulatan ng diborsiyo bago siya paalisin?” “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya
pinayagan kayong diborsiyuhin ang inyong mga asawa, ngunit hindi ganito sa simula. At sinasabi ko naman sa inyo: kung may magpaalis sa kanyang asawa, malibang dahil sa pagtataksil, at saka magpakasal sa iba, nakiapid na siya.” Sinabi naman ng mga alagad: “Kung iyan ang itinatadhana para sa lalaking may-asawa, walang pakinabang sa pag-aasawa.” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Hindi matatanggap ng lahat ang salitang ito, kundi ng mga pinagkalooban lamang nito. May ilang ipinanganak na hindi nakapag-asawa. May iba namang ipinakapon ng tao. At may iba ring tumalikod sa pag-aasawa alang-alang sa kaharian ng Langit. Tanggapin ito ng puwedeng tumanggap.”

Pagninilay:

Nung minsan sumakay ako ng taxi, na itanong sa akin ng driver kung totoo daw ba yung naririnig nya na hindi pwede mag asawa

ang madre. Sinang ayunan ko sya, sabay sabi na ikinasal na kami kay Lord, kaya hindi na pwede mag-asawa. At muli siyang tumugon, "pero pwede pa po kayo mag-asawa." Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi na pwede mag asawa ang ikinasal na sa Diyos. Kagaya ng mag-asawa, hindi sila pwedeng magkaroon ng isa pang asawa, dahil nanumpa sila sa kanilang "kabiyak". Mga kapanalig, ang ating Mabuting Balita ngayon ay nagtuturo sa atin, na alin man sa dalawa, pag-aasawa o pagpapari o pagmamadre man, ay nasa orihinal na plano na ng Diyos
para sa atin. Kung tinawag ka ng Diyos sa pag-aasawa, hangad ng Diyos na maging tapat ka sa pagsasabuhay nito. Ganun din naman sa pagpapari o pagmamadre. Hangad ng Diyos na maging tapat din tayo sa ating commitment sa Kanya. Kaya ano man ang estado o bokasyon natin sa buhay, nawa’y manatili tayong tapat at totoo sa mga tao, pagkakataon at biyaya na nilagay ng Diyos sa ating buhay. Nawa’y maging tapat tayo sa orihinal na plano ng Diyos, dahil ito ang magdadala sa
atin papalapit sa Kanya.

 - Sr. Nina Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings