PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 24, 2023 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 24, 2023

Huwebes sa Ika-20 Linggo ng Karaniwang Panahon

Kapistahan ni San Bartolome, apostol

Ebanghelyo: Jn 1:45-51

Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi nito sa kanya: “Ang tinutukoy ni Moises na nakasulat sa Batas at Mga Propeta, siya ang natagpuan namin – si Hesus na anak ni Jose, na taga-Nazaret.” “May mabuti bang galing sa Nazaret?” “Halika’t tingnan mo.” Nakita ni Hesus na palapit sa kanya si Natanael at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan ang tunay na Israelitang walang pagkukunwari.” “Paano mo ako nakilala?” “Bago ka pa man

tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.”
“Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” “Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo. Talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong nakabukas ang Langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”

 

 

Pagninilay:

Puno ng igos ang palagiang tagpo ni Bartolome sa Diyos. Kahit hindi niya nakikita ang Diyos, sa ilalim ng puno ng igos secure siyang mag-share ng maliligayang nagaganap sa buhay niya. Sa puno ng igos, at home siyang magconfide kung nalulungkot siya, o may dinadalang mabigat na problema. Sa puno ng igos, doon siya nagsusumbong kay Lord ng kanyang sama ng loob. Sa puno ng igos, malaya siyang umiiyak, at

humahalakhak kasama ng Panginoon. Sa tagpo ngayon ng Mabuting Balita, may invitation ang friend niyang si Felipe: “Halika at tingnan mo”. Sumunod siya. Finally, kay Hesus nga niya nakita nang face to face ang dati niyang na-eencounter sa puno ng igos. Kapanalig, sino’ng kaibigan mo ang nagdala sa iyo para ma-encounter mo si Lord? Ano’ng panibagong perspektibo ang natunghayan mo nang personal mong nakilala si Hesukristo? Ano’ng hiwaga ang nagaganap sa iyo, simula ng hinayaan mong baguhin ka Niya? Kaya’t kung sakaling may tampo ka
sa Diyos at dumating ang friend mo na niyayaya kang muli na personal na tagpuin si Hesukristo, i-accept mo. Who knows? Ang kaibigan mo ang mukha ni Kristo na nag-aanyaya sa mas malalim na ugnayan sa Kanya. Just make yourself accessible to God. Marami pa Siyang life-changing surprises na ihahandog sa iyo tulad kay Bartolome.

-Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

 


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings