PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 27, 2023 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 27, 2023

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Ebanghelyo: Mt 16:13-20

Pumunta si Hesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” “May nagsasabing pong si Juan Bautista kayo; may

iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.” “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag sa iyo nito kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng Langit. Ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa
Langit.”

Pagninilay:

Ang ating mga pagbasa ngayon ay tungkol sa "susi" at ang ang kapangyarihang taglay nito. Alam naman natin kung para saan ang susi.  Ginagamit natin ito sa pagsasara o pagbubukas.  Ang susi ay sumisimbolo sa kapangyarihang taglay ng nagdadala nito. 

Ang may susi ay maaaring lumabas at pumasok sa isang bahay.  Nagbibigay ito ng pahintulot, karapatan at kapangyarihan.

Sa ating Mabuting Balita, ginamit ni Hesus ang simbolo ng susi upang italaga si Simon bilang Pedro, ibig sabihin ay bato, na kung saan, itatatag ang kanyang Simbahan.  "Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng

kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit."

Mga kapanalig, ang kapangyarihang ito ay ang ipinasa ni Pedro sa kanyang mga kahalili, ang Santo Papa at ang mga obispo.  Kapag ang

ating Santo Papa at ang mga obispo na kanyang kinatawan sa bawat diyosesis, ay nagtuturo sa atin tungkol sa pananampalataya at pamumuhay moral, ginagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang tagapangalaga ng aral ni Kristo.  Kaya maaari nating sabihin na ang
kapangyarihan ng susi ng langit ay hindi lang para kay Pedro, ito rin ay para sa Simbahan. Tandaan natin na tayo ang Simbahang itinatag ni Kristo at nasa atin ang susi ng kaharian ng langit! Amen.

 

- Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the

Archdiocese of Manila

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings