PAULINES

MABUTING BALITA l AGOSTO 4, 2022 – HUWEBES


Listen Later

MABUTING BALITA l AGOSTO 4, 2022 – Huwebes sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon

San Juan Maria Vianney, pari




Ebanghelyo: Mt 16:13-23

Pumunta si Hesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” “May nagsasabing pong si Juan Bautista kayo; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.” “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag sa iyo nito kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng Langit. Ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.” At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Mesiyas. Mula sa araw na iyon ipinaalam ni Hesukristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem; pahihirapan siya ng mga matatanda ng mga Judio, ng mga Punong-pari, at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong-araw. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinumulang pagsabihan: “Huwag sana, Panginoon. Hindi ito puwede!” Ngunit hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi sa kanya: "Sa likod ko Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”

Pagninilay:

Kanino ka kumakapit? Nung ako ay bago pa lamang sa seminaryo, madalas nakakaranas ako ng pagsubok sa buhay. Isa na lamang dito ay nung ako ay nagaaral pa lamang sa pilosopiya. Madalas ang aming mga titser tinatanong kami ng pagkahirap-hirap na tanong patungkol sa kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng buhay. Madalas sa exam ng Latin halos lahat kami maiyak sa hirap ng mga katanungan. Marahil marami sa ating ang gustong umiwas sa pagsubok ng buhay. Kagaya ng mga naranasan ko nung ako’y bago pa lamang sa seminary sinisikap ko na tumakas sa resitasyon hanggat maari mag tatago ako sa mga titser. Ganun din sa ating evanghelyo. Nung sinabi ni Pedro kay Hesus na “Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.” Katulad ni Pedro, hindi n’ya gustong mahirapan o masaktan si Hesus. Ganun din sa ating buhay maaring ayaw natin or iniiwasan natin na masaktan o mahirapan sa buhay. Ngunit ang itinuturo sa atin ni Hesus na parte ng ating paglalakbay ang pagsubok sa buhay. Bakit? Sapagkat ang pagsubok sa ating buhay ang magbibigay ng katatagan sa atin upang mas mahubog pa ang ating sarili at maging handa sa buhay. Pangalawa, itinuturo din sa ating ni Hesus na ating pagkatiwalaan ang Diyos Ama kagaya ng kanyang ginawa na alam nya na mahihirapan siya, alam nyang pahihirapan siya at ipapako. Ibis na umiwas at magtago ay tinanggap nya ang mga mangyayari at nagtiwala sa Diyos Amang nasa langit. Ito ang imbitasyon sa ating ng ebanghelyo ngayon na dapat tayong mag tiwala sa Diyos Ama kagaya ng ginawa ng kanyang Anak na si Hesus. Kanino ka kumakapit? Sa sarili mong kakayahan o sa Dyos Amang nasa langit? AMEN!

CL. PETER GOLD DOMINGUEZ, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings