PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 6, 2023 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 6, 2023 – Linggo

Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon




Ebanghelyo: MATEO 17:1-9

Isinama ni Hesus sina Pedro, Jaime at ang kapatid nitong si Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. Nagbago ang anyo ni Hesus sa harap nila: nagningning gaya ng araw ang kanyang mukha at kuminang na puting-puti ang kanyang damit gaya ng liwanag. At nagpakita sa kanila sina Moises, Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya nagsalita si Pedro at sinabi niya: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Kung gusto mo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at \isa para kay Elias. Nagsasalita pa si Pedro nang takpan sila ng isang makinang na ulap. At mula sa ulap ay narinig ang salitang ito: “Ito ang Aking Anak, ang Minamahal, ang aking Hinirang; pakinggan ninyo siya.” Nang marinig iyon ng mga

alagad, napasubsob sila sa lupa, na takot na takot. Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo, at sinabi: “Tumayo kayo, huwag matakot.” At pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Hesus. At sa pagbaba nila mula sa bundok, inutusan sila ni Hesus na huwag sabihin kaninuman ang pangitain hanggang maibangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay.

Pagninilay:

Ang pagkilala ng Diyos sa Kanyang Anak na lubos Niyang

kinalulugdan ay isang patunay na si Hesus ay higit sa lahat ng mga propeta at higit sa lahat ng mga nilalang. Ipinapahayag ng Diyos Ama sa mga salitang ito na Si Hesus ang pinakadakilang pagpapahayag ng Kanyang sarili at ng Kanyang kaharian sa mundo. Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagbabagong Anyo ng Panginoon, inaanyayahan tayong kilalanin at tanggapin si Hesus bilang ating Tagapagligtas. Inaanyayahan tayo na sundin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang mga
utos.  Magpahayag tayo ng pagsamba at pasasalamat sa Diyos para sa Kanyang pag-ibig na walang katulad. Mga kapanalig, sa pamamagitan ng Kanyang pagbabagong anyo, ipinakita ni Hesus ang Kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan sa ating mga buhay. Ito ay isang pagkakataon upang purihin, sambahin, at magpatuloy sa
pagsunod sa Kanya. Amen.

 

- Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings