PAULINES

Mabuting Balita l Agosto 8, 2023 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Agosto 8, 2023

Martes sa Ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon

Santo Domingo, pari

Ebanghelyo: Mt 14:22-36

Pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. At pagkaalis ng mga tao, mag-isa siyang pumunta sa kaburulan para manalangin. Nag-iisa siya roon nang gumabi. Samantala, malayo na sa lupa ang bangka, sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat ang hangin. Nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Hesus na naglalakad sa dagat. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, natakot sila, at akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.” Sumagot si Pedro: “Panginoon, kung ikaw nga, papuntahin mo ako sa iyo na naglalakad sa tubig.” “Halika.” Bumaba naman sa bangka si Pedro at naglakad sa tubig papunta kay Hesus. Ngunit natakot siya sa harap ng malakas na hangin at lumulubog na. Kaya sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” Agad na iniunat ni Hesus ang kanyang kamay at hinawakan siya, at sinabi: “Taong kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan?” Nang nakasakay

na sila sa bangka, tumigil ang hangin. At yumuko sa harap ni Hesus ang mga nasa bangka at sinabi: “Totoo ngang ikaw ang Anak ng Diyos!” Pagkatawid nila, dumating sila sa pampang ng Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon at ipinamalita nila sa buong kapaligiran. Kaya dinala nila sa kanya ang mga maysakit. May nakiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.

Pagninilay:

Kapatid, may “comfort boat” ka ba, na minsan nagawa mo

nang iwan? Ito ang mga bagay na nakakasanayan nating gawin, dahil akala natin, iyon ang tama. At ngayon, inaanyayahan tayong muling iwan ang ating bangka, at buo ang loob na lumakad sa tubig, tulad ni Pedro. Halimbawa, ang pagiging matampuhin. Matuwa tayo sa mga unang attempts na makakayanan natin. Ang pakabantayan ay ang
pagkalito sa alon ng pagsubok at tukso.  May bulong na galing sa kalooban na: “Bakit hindi ako magtatampo, eh sinaktan niya ako.” O kaya, “Ayoko nang gawin ito, baka pagtawanan ako.” Kung padadala tayo dito, para na tayong si Pedro na nagambala at nawalan ng paniniwala sa sarili, at higit sa lahat, ang pananampalataya sa Diyos. Kaya’t pokus lang kay Hesus Maestro, tuturuan Niya tayong humakbang nang may matatag na loob sa gitna ng magalaw na alon. 

 

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings