Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l AGOSTO 9, 2022 – Martes sa Ika – 19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Santa Teresa Benedicta de la Cruz, dalaga at martir
Ebanghelyo: Mt 18: 1-5, 10, 12-14
Lumapit kay Hesus ang mga alagad at tinanong nila s’ya: “Sino ang mas una sa Kaharian ng Langit?” Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit. At nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa Kaharian ng Langit. At tinatanggap naman ako ng sinumang tatanggap sa batang ito nang dahil sa aking pangalan. Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.” “Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit ang mawala ang isa man sa maliliit na ito.”
Pagninilay:
Kung tatanungin bakit kaya isang tulad ng bata ang dakila sa kaharian ng langit? Ang isang bata ay namumuhay sa ngayon. Hindi sila nag-aalala sa kinabukasan. Walang bigat sa puso dahilan sa mga pagkukulang sa nakaraan. Batid nila ang kahalagahan ng bawat oras, bagamat wala silang suot na relos. Lagi silang nagtitiwala sa kabutihan ng bawat tao. Simple lang ang kanilang kasiyahan, simple lang ang pamumuhay. At marahil mas marami pang kadahilanan na hindi na natin maisama dito. Mga kapanalig, ako, ikaw naging bata din. Dumaan din tayo sa yugto ng buhay kung saan simple lang ang pamumuhay, walang bigat sa puso, alam natin ang halaga ng oras, tiwala sa kabutihan ng bawat isa, at masiyahin. Kaya nga ang lgging paalala sa atin ng santo papa — “do not forget your young love.” Sa kaharian ng Diyos ang hihiranging dakila ay hindi yaong nagkamit ng pinakamaraming medalya, parangal, at pagkilala buhat sa mundo. Sa kaharian ng langit ang mga dakila ay yaong sa buong buhay nila dito sa mundo—hindi nila nakalimutan maging simple tulad ng bata. Magkaiba naman po ang childlike at childish. Tinatawagan tayo na maging childlike hindi childish. Kaya naman, sana po magsikap tayong tularan ang kasimplehan ng bawat bata, upang sa ating pag-iral dito sa mundo bagamat kung minsan ay pumapalya—patuloy tayong magsikap tumulad sa isang batang dakila sa panginin ng Diyos. CL. Vinz Aurellano, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings