PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 10, 2022 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 10, 2022 – Sabado

Ikalawang Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Mateo 17: (9a), 10-13

Tinanong si Hesus ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias.” At sumagot si Hesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias pero hindi nila s’ya nakilala at pinakitunguhan nila s’ya ayon sa kanilang kagustuhan. At gayon ding paraan magdurusa ang Anak ng Tao sa kamay nila.” At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy ni Hesus.

Pagninilay:

Ang adbiyento ay paghihintay. Kung muling magbabalik si Hesus ngayon at susuriin tayo at ang mukha ng mundo, ano kaya ang kanyang makikita? Ang kasalanan ba natin? Ang mga pang-aabuso natin sa kalayaan at buhay na ibinigay sa atin?

Handa na ba ang ating puso at buong pagkatao? Si Hesus magbabalik hindi para tingnan ang ating mga kamalian. Magbabalik siya dahil sa pagmamahal at kabutihan. Nakikita ni Hesus ang ating taglay na kabutihan. Ang kanyang lingwahe ay pagmamahal. Sabi nga ni Pope Francis: “Awa ang lingwahe ng Diyos.”

Kapanalig, pagsumikapan sana natin na maging kasangkapan ng pagmamahal at kabutihan ng Diyos sa ating kapwa. Ngayong panahon ng adbiyento, paghandaan sana natin lagi ang magiging encounter natin kay Lord. Paglaanan ng panahon ang pagtanggap ng Sakramento ng kumpisal. Sikaping makipagkasundo sa mga nakaaway at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan. Yumabong nawa tayo sa pagmamal at pagpapakabanal bilang mabubuting Kristiyano at alagad ni Kristo.

- Fr. Samy John Torrefranca, SSP | Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings