PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 11, 2022 – Linggo


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 11, 2022 – Linggo

Ikatlong Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Mateo 11:2-11

Nang nasa kulungan si Juan Bautista, nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Kristo. Kaya pinapunta niya ang kanyang mga alagad para tanungin siya: “Ikaw ba ang darating o dapat bang mag-antay pa kami ng iba?” Sumagot si Hesus sa kanila, “Bumalik kayo at ibalita kay Juan ang inyong narinig at nakita” ‘Nakakakita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, lumilinis ang may mga Ketong, nakaririnig ang mga bingi, nagigising ang mga patay at may mabubuting balitang ipinahahayag sa mga dukha at mapalad ang hindi natitisod dahil sa akin.’” Pagkaalis ng mga sugo ni Juan nagsimulang magsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa disyerto para makita, isang kawayang hinahampas hampas ng hangin? Ano ang pinuntahan ninny, isang lalaking magara ang bihis? Sa mga palasyo nga nakatira ang mga taong magagara ang bihis. Ano ba ang pinuntahan ninyo? Isang propeta? Totoo, At sinasabi ko na higit pa siya sa isang propeta. Siya ang binanggit sa kasulatan, pinauna ko sayo ang aking mensahero upang ihanda ang daan sa harap mo. Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juan na taga pagbinyag. Pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng langit.’”

Pagninilay:

Ngayon ay Linggo ng Gaudete o Gaudete Sunday. Ang liturhiya ng simbahan ay nag- aanyaya sa lahat ng Kristiyano na magsaya, magalak, at magdiwang. Sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo ating matutunghayan kung papaanong si San Juan ay nagpadala ng kanyang mga alagad sa ating Panginoon upang ipatanong: “Kayo na po ba ang aming hinintay o maghihintay pa kami ng iba?” Ang sagot ng ating Panginoon” “Nakikita Ninyo ang mga bulag ay nakakakita, nakaririnig ang mga bingi, nakapagsasalita ang mga pipi. Ang mga maysakit na ketongin ay muling nalilinis, ang patay muling nabubuhay at ang mabuting balita na ipapahayag sa mga mahihirap.”

Anuman ang pinagdaraanan ng bawat tao, ng bawat Kristiyano, laging may dahilan para magsaya, para magdiwang. Sa mga araw na ito ng paghahanda sa pagdating ng tagapagligtas, sikapin sana natin na umuwi sa yakap at pagmamahal ng ating Panginoon. Lumapit tayo sa Sakramento ng Kumpisal, sapagkat ito ang ating hayagang paglapit sa kanya at paghahanda sa kanya ng sabsaban sa ating kalooban upang ang bawat isa makaranas ng tunay na kasiyahan, ng tunay na kaligayahan. Ngayong Gaudete Sunday, ang paanyaya sa atin ay magsaya, magalak, at magdiwang.

- Fr. Eugene Dominic Hechanova | Archdiocese of Lipa

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings