PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 13, 2022 – Martes


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 13, 2022 – Martes

Ikatlong Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Mateo 21:28-32

Nagpatuloy si Hesus: “Ano sa palagay n’yo? May dalawang anak ang isang tao. Lumapit siya sa isa at sinabi: ‘Anak, pumunta ka ngayon at magtrabaho sa aking ubasan.’ Sumagot ang anak: ‘Ayoko.’ Ngunit pagkatapos ay nagbagong-isip siya at pumunta. Pinuntahan din ng ama ang pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot naman ang anak: ‘Opo.’ Pero hindi siya pumunta. At tinanong sila ni Hesus: “Sino sa dalawang anak ang tumupad sa gusto ng ama?” “Ang una.” “Talagang sinasabi ko sa inyo: mas nauuna sa inyo patungo sa Kaharian ng Langit ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Dumating nga si Juan para ipakita sa inyo ang daan ng kabutihan subalit hindi kayo naniwala sa kanya, samantalang naniwala naman ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Nakita n’yo ito at hindi kayo nagsisi o naniwala sa kanya.”

Pagninilay:

Ang pagsunod sa utos at kalooban ng Diyos ay naaayon sa ating pananampalataya. Ang kaharian ng Diyos ay hindi nakikita ng ating mga mata kung hindi ito ay nadarama ng ating tinatawag na puso. Mga kapanalig, sa ating pagbasa ay sinabi na ang mga maniningil ng buwis at mga “prostitutes” ay makararating sa kaharian Diyos, mauuna pa sa akin, mauuna pa sa iyo. Bakit ganon? Hindi ba’t ang mga maniningil ng buwis at mga prostitutes ay makasalanan? Bakit sila pa ang mauuna sa kaharian ng Diyos? Sa kadahilanang maaring may mga hadlang sa ating maayos na pagtalima sa utos ng Diyos. Halimbawa, pagiging mapagmataas. Hindi ko naman po nilalahat pero napapansin ko na sa mga organisasyon sa Simbahan ay umiiral ang padrino system. Nagiging prebiliheyo kung ano ang katungkulan mo at posisyon sa organisayon na minsan ay nagiging dahilan ng kawalan ng kababaan ng loob at maayos na pakikipagkapwa. Noong panahon ni Hesus, ang mga marurunong sa batas, mga pari at mga nakatatanda hindi matanggap ang bagong turo na may pagbibinyag sa labas ng templo. Ang mga “prostitutes”at taga singil ng buwis sa kabilang dako ay malugod na tinanggap ang bagong kautusan. Si Hesus ay kanilang kinilala at naging sandigan.

- Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul

Panalangin:

Panginoon turuan mo po akong sumunod sa Iyong banal na kalooban. Maisabuhay ko nawang tapat ang pananampalatayang ipinagkaloob mo sa aking puso. Tulungan mo po akong ipakilala ang Iyong Anak na si Hesus. Amen.




...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings