PAULINES

Mabuting Balita l Disyembre 14, 2022 – Miyerkules


Listen Later

Mabuting Balita l Disyembre 14, 2022 – Miyerkules

Ikatlong Linggo ng Adbiyento



Ebanghelyo: Lucas 7:19-23

Ibinalita ng mga alagad ni Juan ang lahat ng ito sa kanya kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad at sinugo sila sa Panginoon para sabihin sa kanya: “Ikaw na ba ang dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” Pagdating ng mga taong iyon kay Hesus, sinabi nila: “Ipinasasabi sa iyo ni Juan Bautista: Ikaw na ba ang dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” Nang mga sandali namang iyo’y marami siyang pinagaling sa mga sakit, mga karamdaman at masasamang espiritu, at binigyan niya ng paningin ang mga bulag. Kaya sumagot siya sa kanila: “Bumalik kayo at ibalita kay Juan ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, lumilinis ang mga ketongin at nakaririnig ang mga bingi, at nagigising ang mga patay, may mabuting balitang ipinahahayag sa mga dukha. At napakapalad niyang hindi natitisod dahil sa akin.”

Pagninilay:

“Mapapalad ang mga tao na hindi nag-aalinlangan sa akin!” Ang salita ng Diyos ang ating gabay para tuklasin ang mga kalooban ng Panginoon. Nitong nakaraang araw, ating ipinagdiwang ang kapistahan ng Our Lady of Guadalupe. Nagbibigay-lakas at isang inspirasyon para sa ating lahat ang mensahe ng ating Mahal na Birheng Maria, “Hindi ba’t ako’y naririto, ako na iyong ina? “. Kaya, sa gitna ng maraming hamon sa ating personal na buhay, sa ating pamilya at sa ating bansa, kumapit lang tayo sa Salita ng Diyos at sa tagubilin ng ating Mahal na Ina. Mabuting Balita ito sa ating mga pusong minsan ay nais nang sumuko. Sabi pa nga ni St John of the Cross, “The endurance of darkness is the prepartion of great light.” Nawa, sa ating panalangin ay bigyan natin ng quality time, ang pakikinig sa mensahe na nais ipahayag sa atin, ng Diyos. Hayaan natin siyang manahan sa ating puso, upang sa tulong ng Kanyang grasya, ay maibahagi natin ang liwanag sa aing mga kapatid na nag-aalinlangan at maraming pinagkakaabalahan sa buhay. Ang salita ng Diyos ay naghahatid ng tunay na kapayapaan, ng kagalingan at pagmamahal. Nawa, patuluyin natin si Jesus sa ating puso, iwasan natin ang pag-aalinlangan, dahil Siya, ang ating lakas. AMEN.

- Sr. Divina De Claro, Fsp l Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings