Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 15, 2022 – Huwebes
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 7:24-30
Nang makaalis na ang mga sugo ni Juan, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa disyerto para makita, isang kawayang hinahampas-hampas ng hangin? Ano ang pinuntahan ninyo? Isang lalaking magara ang bihis? Nasa mga palasyo nga ang mga taong magagara ang bihis at napakasarap ang pagkain. Ano nga ba ang pinuntahan ninyo? Isang propeta? Tama, At sinasabi ko sa inyo na higit pa siya sa isang propeta. Siya ang binabanggit sa kasulatan, pinauna ko sayo ang aking mensahero upang ihanda ang daan sa harap mo. Sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang taga pagbinyag.” Pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng langit. Tumanggap nga ng binyag ni Juan ang lahat taong nakaririnig kay Hesus, pati na ang mga publikano at kinikilala nila ang Diyos. Hinadlangan naman ng mga pariseo at mga guro ng batas ang kalooban ng Diyos sa di nila pag papabinyag kay Juan.
Pagninilay:
Ang naniniwala, tumatanggap at nagsasabuhay sa mga Salita ng Panginoong Jesus ay tumatanggap sa Kanya ng buong puso at tumatanggap din sa nagsugo sa Kanya, ang mapagmahal na Ama.Kapanalig, di ba mahilig tayong magsabing di tayo convinced hanggat di natin napupurbahan ang isang bagay, at maging sa isang tao. Pero paano kung maski na alam na nating tama at nakikita na ng ating dalawang mata, o maski naririnig na ng ating dalawang tenga, di pa rin natin pinaniniwalaan dahil mas nananaig na ang katigasan ng ating puso at kasaraduhan ng ating isip? Parang ganito ang
nangyari sa tagpo ng Poong Jesus at ng mga Pariseo at mga Escriba. Maski narining na nila ang pagparoon ni San Juan Bautista sa kanila upang ihanda sila sa napipintong pagdating ng tunay na Mesias, at upang pangunahan sila na makilala Sya sa takdang araw na pagdating sa kanilang lugar at panahon, nagmatigas pa rin sila kaya nasaraduhan ang kanilang puso at diwa. Kaya nang dumating nga si Jesus sa piling nila, talagang di nila matanggap ang Kanyang mga mabubuting gawa, lalo na ang
Kanyang mga Salitang nagmumula sa Ama at mga katuruang hatid Nya. Samantalang nakikita naman nilang si Jesus ay talaga namang, teaching by example at pagpapala ang tanging dala. Sa panahon natin ngayon, this sounds very familiar. Alam nating ginaguide tayo ng ating Inang Simbahan sa tamang landasin tungo sa makabuluhang lakbay-kristiyano, lalonglalo na sa panahon na tila lamang ang mga di maganda at fake news sa truthful at good news o sa pagkakanyakanya kesa sa
pagtutulungan. Pero parang nasasama na rin tayo sa mga nagbibingibingihan o pagbulagbulagan. Bukas, umpisa na ng Simbang gabi, sana matugunan na natin nang tama ang mga namali nating mga desisyon para hindi naman masayang ang buong pagmamahal na iniukol ng ating Poong Jesus sa bawat isa sa atin, para sa buhay na ganap. Amen!
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings