Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 16, 2022 – Biyernes
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Juan 5: 33-36
“Nagsugo rin kayo kay Juan at binigyang-patotoo niya ang katotohanan. Ipinaaalala ko ito dahil sa inyo para maligtas kayo, ngunit hindi ko hangad ang patotoong mula sa tao. Isa nga s’yang ilaw na may sindi at nagningning, at ginusto ninyong magalak pansamantala sa kanyang liwanag. May patotoo naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawang ginagawa ko ay nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama.”
Pagninilay:
Hindi ba nakakapagod ang pasko, siguro sigaw ng mga bata “Hindi”. Actually, hindi nga lang yon mga bata, pero lahat ng mga Pilipino ang hindi sasang-ayon sa sentimentong iyon, mga Pinoy pa ba? Wala na atang bansa na mas inlove sa kapaskuhan kaysa sa atin, pero marami man tayong dahilan para magalak, ma-excite at matakam sa kapaskuhan, kailangan din nating tumigil, manahimik at tanungin ang ating mga sarili. Para saan ba ang lahat ng ito? Mahirap kasi yong inulit- ulit natin ang pagdiriwang, todo bigay at effort-na-effort tayo sa mga pampaskong ganap, pero hindi malinaw kung ano ang patutunguhan o ano ang dapat maging dulot nito para sa atin. Ganitong-ganito siguro ang nararamdaman ni Hesus sa ating ebanghelyo ngayong araw. Kausap naman niya ang mga lider ng mga hudyo na tila ayaw maniwala sa kanya at sa Mabuting Balita. Tugon ni Hesus sa kanila: “Nariyan una ang testimonya ng mga propeta at isa sa kanila ay inyong nakilala at nadinig, si Juan Bautista.” Si Juan ay maituturing nating tunay na liwanag na gumagabay tungo sa katotohanan dahil siya ay naging tapat sa tawag at mensahe ng Diyos na ipinadaan para sa kanya. At ako si Hesus, ang pinagtutungkulan sa lahat ng mga propetang ito. Idagdag nyo riyan. Ikalawa ang testimonya ng aking mga gawa at milagro, sa puso at isip ay bukas, mapagkumbaba. Ang lahat ng ito ay malinaw na tanda at patotoo tungkol sa kung sino ako at sino ang nagsugo sa akin? Pero, mga kapatid alam naman natin ang ending ng kwentong ito, hindi ba? Ilang beses nagsalita, gumawa at nagpatotoo si Hesus pero iilan lang ang naging handa para maniwala at sundan siya. Mga kapatid, ngayon ang unang araw ng Simbang gabi, sana tayo ay makiing hindi lamagg sa mga caroling at mga Christmas wish kundi sa salita ng Diyos. Sana tayo ay matuwa at magdiwang hindi lang sa mga regalo at handaan, kundi dahil sa mga gawa at biyaya ng Diyos sa buhay natin, at sa buhay ng ating kapwa. Dahil sa pag inilay sa salita at gawa ng Diyos’lamang natin madarama ang tunay na diwa ng lahat ng ito. Ang regalo ay si Hesus, ang dala niya ay kaligtasan at kabuluhan sa ating buhay. Magsaya tayo, magkantahan, magka-inan at magdiwang, dahil kay Hesus at para kay Hesus.
– Fr. Albert Garong, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings