Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Disyembre 2, 2022 – Biyernes
Unang Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Mateo 9:27-31
Sumunod kay Hesus ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni David, tulungan mo kami!” Pagdating niya sa bahay, inabutan siya ng mga bulag at sinabi ni Hesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapangyarihan ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” “Oo, Ginoo!” Hinipo ni Hesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniniwala.” At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Hesus: “Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” Ngunit pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan.
Pagninilay:
We live by faith and not by our sight. Kaya lang ang totoo niyan, nagiging bulag tayo sa maraming bagay na nangyayari araw-araw. Maraming problema tayong kinakaharap sa buhay. Marami tayong pinagdadaanan. Pero hindi tayo kailanman kinalimutan ng Diyos. Iba-iba ang mga hamon na kinakaharap natin sa bawat yugto ng ating buhay. Pero, makakaasa tayo sa lakas ng loob na nanggagaling kay Kristo. Si Teresa Cejudo, isa sa mga bagong na beatify na Spanish martrys. Meron siyang sampung taong gulang na anak nung siya ay pinatay dahil sa kanyang pananampalataya. Tumutulong siya sa isang Salesian school na nagtuturo sa mga batang hindi marunong magbasa at magsulat. Bago siya pinaslang sa isang sementeryo, ikinulong muna siya ng ilang buwan. Dinadalaw siya duon ng kanyang anak na lingid sa kanyang kaalaman mapapawalay sa kanya ang kanyang ina. Nung araw na sila’y hahatulan na, hiniling niya na huwag siyang lagyan ng piring sa mata para nakikita niya at harap-harapang tanggapin ang kamatayan. Hiniling din niya na huli siyang paslangin para makapagbigay patotoo pa siya sa iba, maging inspirasyong panatilihing buo ang kalooban sa pananampalataya hanggang kamatayan. Sinabi niyang hindi siya natatakot mamatay alang-alang sa Diyos. Lumaki ang kanyang anak na hindi nagkimkim ng sama ng loob sa sinapit ng kanyang ina. Tanda ito na bunga ng isang inang may matatag na loob. Nagpatibay din ito ng kalooban ng kanyang anak kahit sa malupit na sinapit ng ina. Inaanyayahan tayong tingnan na sa kabila ng madilim at imposibleng mangyari na ating nakikita sa ngayon, hindi ito ang may ‘last say’; sa halip, isapuso natin ang pag-asa sa muling pagkabuhay. Mapapanghawakan natin ito sa pamamagitan ng mga sacramento at ating mga kapwa o kalakbay sa pananampalataya kasama rin ang mga santo. Naging saksi si Teresa Cejudo sa kapwa niyang naging martir, nawa’y maging lakas din natin ang isa’t isa sa ating pagtahak patungo sa kaharian ng ating Diyos Ama. Amen.
- Sr. Amelyne Paglinawan, FSP | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings